*BOOM* (A/N: forgive my corny sound effects) tunog ng starting pistol.

Nagsimula nang tumakbo ang lahat kaya tumakbo na rin ako.

TAKBO…

 

 

TAKBO…

 

 

TAKBO…

 

 

 

Magkasama lang kami ni Victoria at chill na chill sa pagtakbo, wala kaming pakialam kung maunahan kami o hindi.

Bigla nalang may mga Dorm 3 students na pinabalik sa bleachers… Anyare?

“Yan yung mga nakita kong nagshort cut kanina! Buti nalang nahuli sila.” Sabi ni Victoria, kaya pala.

TAKBO…

 

 

TAKBO…

 

 

TAKBO…

 

 

Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagod. Whew. Wala pa namang tubig. Daya.

“Malayo pa ba?” hingal na tanong ni Vic. “Parang hindi ko na ata kaya.”

“Naku, kung hindi mo na kaya, itigil mo na.” sabi ko naman. Baka mag-collapse pa siya dito.

Bigla nalang siyang huminto.

So mag-isa nalang ako ngayon. =__= Pagtingin ko sa ibang mga tumatakbo pa, marami-rami pang Dorm 2 at Dorm 1. Andito pa nga sila Krystal eh.

Nagulat nalang ako dahil biglang nakaroon ng rumble. May nagtulakan yata! Pinatigil na sila at pinabalik sa bleachers, buti na nga lang hindi ko nasama doon! Pero nasama halos lahat ng Dorm 2 at Dorm 1 kahit sina Eungyeol at Hanna. Tss… Pati si Taejoon.

Saka ko narealize na dadalawa nalang pala kaming naiwan sa track.

Isang lalaki mula sa Dorm 3 at ako.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon