“Dahil may mga bago tayong members… Sina Eungyeol at Jaehee, sila ang magrerepresent ng Dorm 2 sa Mr. and Miss Genie!

WHAT?!!!!!!!!!!!

***

KINABUKASAN… SCHOOL FEST NA.

 

 

Color blue and kulay ng dorm namin kaya syempre naka-color blue kaming lahat! Magsisimula na ang marathon in a bit. Medyo kinakabahan nga ako eh.

“Sana manalo tayo.” Sabi ni Eungyeol.

“Ikaw, mabilis ka naman tumakbo, soccer player ka! Ipanalo mo ang dorm natin!” sabi ko.

“Anong ako? Ikaw kaya! Athletics!” sabi naman niya.

“PWEDE BA TUMAHIMIK KAYONG DALAWA, LALO NA IKAW GOO JAEHEE!” sabay naman kaming napatingin ni Eungyeol sa likuran, si Song Jong Min pala yung nagsalita. Tapos ngumiti siya kay Eungyeol saka lumipat sa tabi nito. Landi.

“Gusto mo ba nito, Eungyeollie?” malambing niyang pang-aalok ng sports drink.

Napa-iling nalang ako, saka nakuha ang atensyon ko ng dalawang taong papalapit sa amin.

Si Taejoon at Krystal.

Iniba ko nalang ang tingin ko saktong nagsalita na si Seungri. “Dalian niyo na! Wala ba kayong naririnig?! Pumunta na kayo sa starting point, magsisimula na! Ang babagal ninyong mga bata kayo. Daliiii!”

Agad naman kaming tumayo at nagtungo sa starting point. Magkasama ring pumunta si Taejoon at Krystal doon, samantalang si Hanna, biglang hinila si Eungyeol. Aba. Aba. Aba. Ang mag-asawa oh. Hindi naman nakapalag si Eungyeol, pero si Jong Min, lagi lang nakasunod sa kanila, sabay laging apply ng lip gloss. Nakakatuwa talaga itong mga tao dito, except kay Krystal at Taejoon. Tss.

Buti na nga lang ka-dorm namin si Victoria, may kasama ako pa naman ako.

“Goodluck, Jaehee.” Sabi ni Krystal, sabay tayo sa tabi ko. Bakit ba nandito ito, doon dapat siya sa dorm niya!

“Ikaw din.” Sabi ko. She smirked bago siya bumalik sa mga kasama niya.

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon