Pero wala naman araw na hindi ko sya naisip. Matagal ko ng hinihintay ang araw na magkakasama ulit kaming dalawa.. kaya madalas ko rin syang naikukwento noon sa mga kabarkada ko.. at nangako pa silang tutulungan nila kong mahanap ang kapatid ko.

"Wag kang mag-alala Jan Miel.. tutulungan ka namin sa paghahanap sa kanya.." nakangiting sabi sakin ni Nichii sabay akbay pa sakin. Kasalukuyan kaming nakatambay sa port ngayon. Mga naka-party hat at may hawak pa kong birthday cake.

"Pagkagraduate natin ng high school, sisimulan na natin ang paghahanap sa kapatid mo.." sabi naman ni Rajeel habang hindi magkakandala ng napakaraming lobo.

"Yepp. Operation-looking-for-Mari." May pagpalakpak pang sabi ni Jayv at binatukan lang sya ni Shun na kanina pang hindi maipinta ang mukha dahil sa ayaw nyang magsuot ng party hat pero wala rin syang nagawa ng ipagpilitan yun ni Jelan.

"Okay yun! Operation-operation.. si Sano ang leader!" Masayang sabi pa ni Nichii.

"At bakit ako? Hindi naman ako ang nawawalan a.. dapat yang kapatid na bansot ang leader!" Sabay irap pa nya sa amin.

Gusto ko sana syang batuhin ng cake na hawak ko pero sayang naman to kung sa mukha lang nya tatama. Ang mahal din kaya neto. Two weeks rin akong nagtipid ng baon para lang mabili tong cake na to.

"Ikaw ang magdodoktor e.. Di syempre, magiging expert ka na sa mga operation na ganyan!" Sagot pa ni Nichii bago kami napaface palm. Hay jusko! Utak Nichii! Seryoso pa sya sa pagkakasagot nun ha?

"Ako na lang ang leader! Ako na lang!" May pagtaas pa ng kamay na nalalaman si Jelan kaya nabatukan rin sya ni Shun dahil nadali nya ito.

"Aray ha?! Problema mo?!" Singhal naman bigla ni Jelan. Tsk. Batang-bata pa ng isang to napakamainitin na lagi ng ulo.

"Tss. Ang likot mo. Hindi ka pwedeng maging leader.." seryoso namang sabi ni Shun.

"Aba't~

"O tama na yan.. Wag na nating pagtalunan pa yang leader-leader na yan.. ang mahalaga naman matulungan natin si Jan Miel!" Biglang sita naman sa kanila ni Rajeel.

"Oo nga.. tara-tara..magblow the candle na tayo Jan Miel.. nagugutom na rin ako!" -Nichii

"O sige.. wait! Magwiwish muna ko!" Sabi ko pa sakanila bago ko pumikit.

"Hulaan ko wish nyan.." narinig ko pang bulong ni Nichii.

"Ano? Ang tumangkad?" Sagot naman ni Neji.

-__- Tsk.

"Hindi. Ang maging permanente na yung mga pandesal nya sa katawan. Pansin nyo ba.. tumataba na kaya sya?" -Nichii

At narinig ko pa silang nagtawanan. Halatang mga nagpipigil pero pakinig na pakinig ko pa rin naman. Mga walanghiya talaga o!

Pero haaayyy.. mula noon hanggang ngayon, iisa pa rin ang wish ko.. ang sana magkita pa ulit kami..

Sabay mulat ko na at hinipan yung candle. Nagpalakpakan pa ang mga ugok kong kabarkada bago nila biglang inagaw sakin ang cake at tuluyan ng pinag-agawan.

"Hoy! Para sa kapatid ko yan! Hindi sa inyo!" Sigaw ko pa sa kanila bago ko sila hinabol.

"Wala pa naman yung kapatid mo kaya amin na lang muna! Ikakain na lang muna namin yung sister mo!" Sigaw pa ni Nichii habang tumatakbo papalayo sakin.

"Gago! Tirhan mo ko!"

"Magdiet ka Jan Miel! Tumataba ka na!" Sigaw pa ni Jelan bago sumabay kay Nichii.

Mga gago talaga!

Napahinto na lang ako sa pagtakbo at napangiti habang pinapanood ko silang pinagkakaguluhan yung cake.

Tss. Akala mo naman ngayon lang makakatikim ng cake.

"Jan Miel.."

Napalingon naman ako sa may gilid ko at nakita ko si Neji na dala yung mga lobong hawak lang kanina ni Rajeel.

"Neji.."

"Hahanapin natin yung kapatid mo.. wag kang mawawalan ng pag-asa.. magkikita pa ulit kayo.." sabay ngiti pa nya sakin at iniabot sa mga kamay ko yung napakaraming lobo.

"Mm. Alam ko.."

Buti na lang talaga.. may natitira pang matino sa mga kabarkada ko..

Binitiwan ko na lang yung mga lobo at pinagmasdan na magliparan iyon sa langit.

Happy Birthday Mari.. sana okay ka lang.. hintayin mo si kuya a.. magkikita pa ulit tayo..

***

Kita mo nga naman.. si Neji nga ang nakahanap sa kapatid ko..

"Nasaan sya?" Halos pabulong na yung pagkakasabi ko pero mukhang narinig rin naman yun ni Neji dahil napangisi na naman sya.

"Just come with me. I'll bring you to her."

Ito na ba yung araw na pinakahihintay ko? Magkikita na ba talaga kami ng kapatid ko? Matutupad na ba talaga yung wish ko?

Pero teka.. kung kasama ni Neji ang kapatid ko ngayon? Ano yung sinasabi ni Jelan na nakita nyang magkasama sina Neji at Anna? Namalik-mata lang ba sya noon? Inakala nya lang bang yung kapatid kong kasama ni Neji ay si.. Anna?

Anna Maria ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ