Forty Four

866 17 0
                                    

Forty Four


Alas singko y media ng hapon ng magdecide akong umalis sa school. Dadaan na lang siguro ako ng locker room para kunin ang natitira ko pang gamit doon. Papunta ako noon ng locker room nang makasalubong si Mica. Nang makita niya ako ay agad sumama ang tingin niya. Nagtataray na galit na hindi ko maintindihan. Maybe this is the right time to talk to her.

"Mag-usap tayo." Agad kong sabi sa kanya at nilampasan na siya. Alam niya naman na siguro ang ibig sabihin nun dahil sumunod agad siya sakin.

"Talagang mag-uusap tayo." Galit na saad niya sa akin.

Nang makarating ng locker room ay doon ko na siya hinarap. Magsasalita pa lang ako ay inunahan niya na ako.

"Ang kapal ng mukha mong agawin ang boyfriend ko."

Teka. Ako nang-agaw? What the hell?

"Inagaw? Talaga? Baka nakakalimutan mong ako ang unang naagawan sa'ting dalawa!"

Lalong naging galit ang expression ni Mica sa akin at bago pa lumapat ang kamay niya sa pisngi ko ay sinalag ko na ito. I don't deserve her slap! Hinding hindi ko hahayaang mangyari na sampalin niya ako. I want us to talk peacefully, pero kung ito ang gusto niya, then I'll give it to her.

"Wala kang karapatang sampalin ako."

Agad niya namang binawi ang kamay niya sa akin.

"Gusto kitang kausapin ng maayos pero kung ito ang gusto mo, fine!"

"We both know na kahit kailan hindi tayo magkakausap ng maayos."

"Ano bang problema mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka sakin. Na handa kang sirain ang buhay ko, na handa kang kunin ang iilang taong nagmamahal sa akin. All I did was being your good friend."

"Hindi mo alam?" Tumawa siya ng sarkastiko. "Dahil naiinggit ako sayo! I used to be on top pero nagtransfer lang ako sa school niyo, nasapawan na ako! Ako dapat ang mahal ng mga tao, ang tinitingala ng lahat! At ako dapat ang tinitingnan at minamahal ni Louie at hindi ikaw!"

Nanatili akong nakatitig sa kanya.

"Kahit kailan hindi ko ginusto ang tingalain ng lahat! All I wanted was to be on top in class, not to be in top with everybody! Kaya hindi ko alam kung saan mo kinukuha yang mga insecurities mo. I don't want fame."

"Yes you don't want fame but you have it and I want it! Especially him. I have loved Louie mula pagkabata. At hindi ko matanggap na napunta siya sayo!" Nakita kong nangilid ang luha niya. "And can't you see? Pinilit kitang kaibiganin para makuha yang kinalalagyan mo! Para makuha ang lalaking minamahal ko noon pa."

Napailing iling na lang ako. "Nakakaawa ka. Nilamon ka na ng pagmamahal mo sa kanya."

"Wala kang pakielam! Dahil akin siya! Akin siya!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na paliparin ang palad ko sa pisngi niya.

"Mica, wake up!" Sigaw ko sa kanya. "Maawa ka nga sa sarili mo. Ganyan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo?"

Kitang kita ko ang pagpatak ng luha niya.

I know she's hurting. Pero masakit din ang ginawa niya sa akin. I thought she was my friend pero nagsa-wala lang ang lahat. At hindi ko matanggap na dahil lang yun sa isang lalaki.

"Lalaki lang yan!"

"Hindi siya basta lalaki! Mangaagaw!"

Nang sabihan niya akong mang-aagaw ay doon na ako sumabog kaya hindi ko napigilang sampalin muli siya.

"Gusto kitang kausapin ng maayos pero mukang ayaw mo. At siguro wala na ding patutunguhan pa 'to. I just want you to know na aalis na ako. Kung gusto mong iyo siya, eh di sa'yo! Hindi kita aagawan. But let me remind you, tigilan mo na ang pagiging insecure mo dahil walang magandang maidudulot yan sa'yo. Matuto kang makuntento."

Kitang kita ko ang pag-iyak niya bago ko siya tinalikuran. Tumigil ako bigla sa paglalakad at hinarap muli siya.

"By the way, yung unang sampal pasasalamat kasi natuto akong maging malakas dahil sayo. And the second one, para magising ka na."

Saka ko siya iniwan doon.

Unbelievable! Yes, maybe pinlano niya lang lahat na makipagkaibigan sa akin pero hindi man lang ba siya nanghihinayang sa kahit anong pinagsamahan namin sa loob ng ilang taon? hindi ko matanggap na dahil sa isang lalaki lang ang lahat ng ito. Maybe that's what love can really do.

Ang gusto ko sana ay magkausap kami ng maayos, magkapaliwanagan, pero mukang hindi na nga mangyayari ang bagay na yon.

"Nai-booked ko na ang flight mo. This coming Tuesday. Susunod ako doon by Friday." Bungad ni daddy sa akin pagkauwi ko ng bahay.

"Naayos mo na yung sa school mo?"

"Yes, daddy."

"Okay." Huminga ng malalim si daddy. "Are you sure hindi mo sasabihin sa kanya?"

Tumango ako. "Hindi ko sasabihin, daddy."

"Okay, then. Hope you make the right decisions." Saka umakyat si daddy sa kanyang room.

Napahinga ako ng malalim.

Every one wants me to tell Sebastian. Pero hindi ko lang sadya kaya. Ayokong iintayin niya ako. Ayokong bigyan siya ng assurance na babalik ako, na magiging kami ulit pagbalik ko.

Dumating ang Tuesday nang umaga at ihahatid na ako ni daddy sa airport. Gustong sumama ni Summer sa paghatid sa akin pero hindi ko siya hinayaan. Ayokong makita na yung taong naging malapit sa akin ay iiwan ko. Especially that one of my reasons is to heal myself.

"Pagdating mo sa airport sa France ay susunduin ka ng boyfriend ng ate mo." Tumango ako.

"Mag-ingat ka 'nak."

Ngumiti ako kay daddy. "Yes po."

"I love you, 'nak."

"I love you too, dad."

Kumaway ako kay daddy bago pumasok ng waiting area. Nilingon ko muli si daddy para kumaway para magpaalam muli bago tuluyang pumasok sa waiting area.

Ilang minuto pa akong nagintay doon para sa flight ko. I can't imagine Seb kapag nalaman niyang aalis ako. Na papunta na ako ng ibang bansa. All I asked him is to give me my time to think, to heal. Pero anong ginawa ko? Iiwan ko siya ngayon ng hindi niya alam.

Bigla ko siyang namiss. Yung dates namin, yung pagpunta niya sa amin kada umaga, yung paghatid at sundo sa bahay, yung pagtambay niya sa amin maghapon. Expecially yung presence niya, yung yakap yung halik, yung lahat lahat sa kanya.

Nang tinawag na ang aming flight ay agad akong nag-ayos ng gamit ko. napapikit ako ng mariin.

Isang sulyap na lang mula sa labas, baka sakaling andyan siya. Hahabol sa akin.

Fix YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin