Eighteen

918 22 1
                                    

Eighteen

"Nakikita kong ayos ang samahan niyo ni Seb ngayon, ah?" Ngiting sinabi ni daddy sa akin.

"Daddy!"

"Bakit anak?" Humalakhak siya. "Boto nga ako sa inyo eh."

"Ewan ko sa'yo, dad. Walang namamagitan sa amin nun, noh."

"Ewan ko din'nak, ha? Pero I can see your future with him."

"Dad naman. Masyado pa kong bata para diyan."

"Ano naman? Dadating ka din naman sa bagay na iyon, eh. Isa pa, nakita ko ung ngiti mo nung nag Enchanted kayo." Nagulat ako sa sinabi ni daddy.

"Bakit niyo po alam yun?"

"He send me the picture. On line." Sabay tumawa sa daddy. Alam kong aasarin niya na naman ako about sa bagay na iyon.

"It's nothing, dad."

"Hindi na kita aasarin, nak. But I am pleased to tell you that I really like him for you."

Nginitian ko na lang ang sinabi ni daddy. Well, deserve naman ni Seb na makatangap kay daddy ng ganong acknowledgement pero shempre wag naman sna isipin ni daddy sa akin na future agad sa amin ni Seb. Ni ako ngahindi nag-iisip ng pwedeng mangyari sa future ko eh.

Lumipas ang magagandang araw kasama ko ang aking ama. Bago din pumasok sa school si Seb ay dumadaan siya sa baha. Shempre para magdalaaraw araw ng kanyang mga rosas para sa akin. At every time na gagawin niya iyonay napapansin ko naman ang makahulugang titig ni daddy sa aming dalawa. Pumapasok kasi si Seb kahit sembreak dahil may practice sila sa varsity ng basketball.

Linggo ng umaga ng ginising ako ni daddy dahil andyan na awsi Seb sa baba. Sabi niya ay iniimbitahan daw ako nito na gumala. May pupuntahan daw kami. Wala namang angal si dad doon dahil boto nga siya dito.

Kaya pagkagising ko naman ng umagang iyon ay agad ko ng ginawa ang dapat kong gawin. Naligo ako, nagbihis at nagayos.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita kong wala doon si dad at Seb. Narinig ko na lamang ang mga boses nila sa may kusina. Marahil nagbe-breakfast ata silang dalawa.

"Iho. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko."

"Walang anuman po yun tito."

"Masaya ako na napapangiti mo na siya kahit papaano. Hindi talaga ako nagkamali na ipinagkatiwala ko siya sayo."

Ipinagkatiwala?

"Okay lang po yun tito. Basta kayo ba eh." At humalakhak silang dalawa.

"Pero seryoso talaga. Salamat dahil tinupad mo ang hiling kong bantayan siya at maging kaibigan niya sa lahat ng oras.

"Walang anuman po."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. So, it means na kayalang lumapit sa akin si Seb ay dahil kay daddy? Dahil ipinagkatiwala ako? Dahil sinabi sa kanyang kaibiganin ako? Kung yun lang pala ang sinabi sa kanya bakit niya ako nililigawan ngayon?

Nang marinig ko ang mga yapak nila na pabalik na sila ng sala namin ay agad kong inayos ang sarili ko. Saka ako nagpakita at ngumiti kay daddy.

"Dad!"

"Seria anak, Andyan ka na pala. Kanina ka pa iniintay ni Seb dito. Sisimba na daw muna kayo."

Tumango ako sa sinabi ni daddy.

"Hindi po ba kayo sasama?"

"Hindi na. Date niyo iyan. Ayoko naman maging chaperone sa inyong dalawa." At saka siya humalakhak.

Tumango na lamang ako at saka si Seb saka kami nagpaalam kay dad bago umalis.

Tahimik lang kaming bumyahe hanggang makarating kami sa simbahan at nagsimba kaming dalawa. Gusto ko sana siyang tanungin sa mga narinig ko sa kanila ni daddy. Alam kong maliit na bagay lang yon, pero ang sa akin lang kasi, kung nag-stay siya sa tabi ko dahil iyon ang hiling ni daddy ay sana hindi niya na lang ginawa.

Ayoko lang kasi ng ganoon. Iyung lalapitan ka lamang dahil pinakiusapan ng parents ko. Kaya din kasi hindi ako makapagtiwala sa mga nakikipagkaibigan sa akin noon dahil naiisip ko din na may kailangan lang silasakin kaya nila ginagawa yun lalo na at kilala an gaming pamilya. Pero dahil doon, nagkamali pa nga din naman ako ng pinagkatiwalaan ko.

Hindi ko alam sa araw na ito kung pansin ba ni Seb ang pagiging tahimik ko, o nasanay na lang siya na maging cold ako. Panay pa din ang kwento niya ng kung ano ano sa akin at wala akong ginawa kundi ang manahimik at subukang making sa mga sinasabi niya.

Almost past 4 PM na ng napagdesisyonan namin umuwi. At nakapagdesisyon na din akong tanungin siya about sa narinig ko kanina. Ayoko namang isipin niyang inilalayo ko na naman ang loob ko sa kanya lalo na at sa palagay ko hindi niya deserve yun matapos ng lahat ng ginawa niya para sa akin.

Pagkasakay namin ng kotse sa parking lot ay sinabihan ko siya na doon na lang muna kami.

"Bakit?"

Ilang minuto akong natahimik bago nagsalia.

"Narinig ko kayo ni daddy kanina." Nilingon ko siya at nakita kong muka siyang nalungkot or something. Pero nakikita kong may nagiba sa expression niya. "Narinig kong pinakiusapan ka niya para bantayan at ibalik ako sa dating ako bago pa siya umalis."

Narinig ko naman ang kanyang pag buntong hininga.

"Gusto ko lang malaman ang totoo. Gusto ko lang sabihin sayo na kung yun ang dahilan kung bakit lumapit ka ulit sa akin matapos ng pag-iwas mo ay sana hindi mo na lang ginawa."

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Totoo yun, Seira. Napilitan akong lapitan ka dahil pinakiusapan ako ng daddy mo."

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Ayokong guluhin siya sasasabihin niya. Gusto kong marinig ang buong side niya.

"Napilitan ako kasi nahihirapan at natatakot na akong lumapit sayo. Umiwas ako noon kasi hindi na kita makilala. Hindi na kita makita pa. Pero nang gawin yun ng daddy mo, I almost said no. Ayoko talaga. Pero naisip ko din na pagkakataon ko na yun para patunayan sayo na andito pa ako, bilang kaibigan mo."

Pinakinggan ko lamang ang sinabi ni Seb sa akin. Wala na akong maisip na sabihin sa kanya. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay kung maaari ay hayaan niya na muna akong mag-isa kahit ilang araw man lang. Dahil gusto kong tantiyahin ang sinasabi niya.

"Umuwi na tayo."

"Pero.."

"Umuwi na muna tayo."

At nagsimula na siyang mag-drive patungo sa village namin.

Gusto kong bale wala-in na lang ang lahat ng narinig ko kaninang umaga. Gusto ko na lang ipagpatuloy lahat ng nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Pero ayoko din dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napagiisipan ang dapat kong gawing move sa mga nalaman ko.

"Seb. Please give me time para mag-isip. Kahit a day lang."

Napansin ko ang paglungkot ng aura ni Seb ng marinig niya iyon sa akin pagkauwi namin sa bahay. Pero tumango lamang siya makalipas ang ilang minuto.

"Pumasok ka na muna sa loob. Alam kong naghihintay din si daddy sa'yo."

At saka kami lumabas ng kanyang sasakyan.

Pagkapasok namin ay masaya agad ang bungad ni daddy sa aming dalawa. Nakita ko din naman na ngumiti si Seb sa kanya, siguro ay para hindi makaramdam ng masamang aura si daddy sa pag-itan naming dalawa. 

Agad naman akong nagsabi na sumama ang pakiramdam ko na sinang-ayunan naman ni Seb. Kaya dumireto na lang ako sa aking kwarto. Humiga at natulala ng ilang saglit. Gusto ko munang magisip. Kailangan ko to.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon