Forty Three

834 12 0
                                    

Forty Three


"Are you sure magda-drop ka, Miss Perez?"

"Yes, ma'am."

"Sayang naman. Dean's lister ka pa man din."

"Kailangan po eh. Para sa kapatid ko."

"Ako talaga ang nanghihinayang sa'yo. Anyway, good luck and get well soon sa sister mo." Saka niya pinirmahan ang form ko.

"Thank you po, ma'am" At umalis na ako sa office niya.

Isa siya sa mga naging professor ko last semester kaya ramdam ko din sa kanya ang paghihinayang. I'm a dean lister. Tapos magdadrop ako. I'm sure na kahit sino ay manghihinayang sa akin.

"Siera!"

"Summer.."

"Hindi ka pumapasok! Bakit?"

"Ha? May.. agenda lang kami ni dad na kailangan gawin."

"Ah. Ano yan?"

"Alin?"

"Yang hawak mo."

Shit! Sa lahat naman ng makakaalam si Summer pa.

Agad kong tinago ang form sa likod ko.

"Ano yan, Siera?"

"Wala 'to."

"Siera?"

"Wala nga."

"Akin na nga yan."

Pilit kong itinago ang form sa likod ko pero sadyang marahas gumalaw itong si Summer kaya nakuha niya sa akin ang form.

"Form para sa pagda-drop?! A-ano 'to?!" Napaiwas lang ako ng tingin.

"Siera ano to?! Magdadrop ka?"

"Summer.."

"So iiwan ako ng kaibigan ko?"

Ramdam ko ang sakit kay Summer. Kahit ako naman eh. Nasasaktan naman ako sa desisyon ko. Pero I want to make time with my sister. Gusto ko siya alagaan. Gusto kong magkasundo kami kahit sa konting panahon. At gusto ko din makalimot sa sakit na nararamdaman ko. Siguro kapag umalis ako kahit saglit, baka kahit papaano mabuo ulit ako mula sa pagkawasak.

"I"m sorry for your sister, Siera."

"Okay lang."

"Pero siya lang ba ang dahilan ng pag-alis mo? Ano ba kasing nangyayari sa inyo ni Seb? Kaibigan mo ako. You can tell me."

"Summer. Minsan may mga bagay talaga na hindi na dapat i-share. Its better to keep it a secret."

Bumuntong hininga siya. "Okay. I respect your decision. Pero pag naisipan mong mag-open, remember na andito lang ako."

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman."

"Mamimiss kita girl! Ikaw lang ang tumagal kong kaibigan dito eh."

"Ako din naman. Ikaw lang yung nagtiyaga sa ugali ko."

Ngumiti ako sa kanya at mas lalo akong napangiti ng makita kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

"Wag ka nga umiyak!" Nasabi ko ng natatawa.

"Ikaw kasi eh!" Pinahid niya ang sariling luha. "Kainis ka talaga! aalis ka pa. Pasalubong ko paguwi mo ha?"

"Oo nga!"

"Pero.. hindi mo ba sasabihin kay Seb?"

Yan din ang tanong ko nung mga nakaraang araw sa sarili ko. And I made up my mind. Hindi ko sasabihin sa kanya.

"Hindi."

"Ha? Bakit? Hindi ko alam kung anong totoong nangyari sa inyo pero deserve niya naman siguro na malaman ang pagalis mo, diba?"

"Pag sinabi ko sa kanya ang pag-alis ko, ibig sabihin lang nun ay gusto kong hintayin niya ako sa pagbabalik ko. I'm too broken para sabihin sa kanya ang bagay na 'to. Ayokong umasa siyang babalik ako."

"Bakit? Hindi ka na ba babalik?"

Babalik ako ng Pinas. That's for sure. Pero hindi ko alam kung makakabalik ako sa buhay niya.

Kapag pala masyado ng nadurog ang puso mo, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao hindi mo na kakayaning ibalik pa iyung dating kayo. Hindi lang dahil sa niloko niya ako, kundi dahil sa alam kong mahal na mahal niya ako at hindi ko alam kung maibabalik ko ba ang pagmamahal na binibigay niya. Masyado akong wasak para mapantayan ang pagmamahal niya sa akin.

Malapit nang mag-alas singko ng hapon at nandito pa din ako sa garden ng university namin. My usual spot.

Habang nakaupo ako doon ay bumalik sa akin lahat. Lahat lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Halos hindi ko magawang magtiwala sa mga taong nakapaligid sa akin dahil pakiramdam ko ay kinakaibigan lang ako ng mga tao dahil sa mayaman ako. Ilang beses ko din kasing naranasan ang bagay na ganoon.

And my sister hates me. She was nine and I was seven. Ayaw niya sa akin. Isinisisi niya sa akin kung bakit nawala ang ina namin kahit hindi ko naman ginusto ang nangyaring iyon. Dahil dun, lumaki ang agwat namin sa isa't isa.

Nang dumating ng 1st year high school ay pakiramdam ko okay na okay na. Okay na, na kahit ayaw sakin ng kapatid ko dahil kay Mica. Siya ang tumayong kapatid ko. Sa kabila ng kawalan ko ng pagtitiwalang makipagkaibigan sa iba kahit na palabati ako sa mga tao ay siya itong napuso-an ko. We shared common interests. She's my sister, my best friend.

2nd yr.naman nang makilala ko si Louie. Transferee student siya. At unang beses na magkakilala kami ay alam ko nang gusto niya ako. The way he looks at me, alam ko na. Nagkakilala kami dahil isa siya sa mga friends ng isa naming kaklase ni Mica. At aaminin ko, sa bata kong edad na yun ay naranasan ko kung ano ang love.

Ang buong 3rd year ay smooth lang. Doon ko din sinagot si Louie. 3rd year nang pasukan namin ng June. I was so happy back then. May best friend na laging nandyan at may boyfriend pang thoughtful. Well, that's what I thought.
It was 4th year nang makita ko silang magkasama ni Mica sa isang mall, which was the day na nagpaalam si Louie sa akin na may get together sila ng relatives niya. They looked like a couple. Magkaholding hands silang nagshashopping sa mall. Sweet na sweet sa isa't isa.

Alam kong naging tanga ako nun dahil binale wala ko ang nakita ko. Hindi ako agad naghinala. Dahil nang mga oras na yun naniwala ako na imposibleng lokohin ako ng mga taong nagmamahal sa akin at minamahal ko.

Pero nang makita ko sila sa pangatlong pagkakataon ay doon na ako sumabog. Hindi ako palaban na tao pero nang mga oras na iyon ay pakiramdam ko kailangan kong lumaban.

"Siera, ano ba?! Wag mo ngang saktan si Mica!"

Yun ang salitang natanggap ko kay Louie nang sampalin ko si Mica. At halos gumuho ang mundo ko. Cause that means na mas pinipili niya si Mica.

At sa mga panahon na yun ay nananatiling tahimik si Seb. He's always there para mang-asar, hindi para magmahal. Kaya naman halos mawindang ang isip ko ng malaman kong mahal niya ako.

Fix YouWhere stories live. Discover now