Three

1.8K 23 0
                                    

Three

Third Person's POV

"Waaah!! Waah!!"

"Ha? Ano yun? Bakit may umiiyak? Sino yun?" ang sabi ng bata

[ Naglakad lakad ang batang lalaki sa buong park at playground sapagkat nagbabakasakali siya na makikita niya ang batang umiiyak doon. Alam niya sa sarili niya na pamilyar sa kanya ang iyak na batang yon ngunit hindi niya malaman kung ito nga ba talaga ang nagmamay – ari ng iyak na yun. ]

"Bata! Asan ka ba?"

"Waaaahh!!!"

[ Patuloy na naghanap ang batang lalaki. Hanggang sa nakita niya ang batangbabaeng umiiyak na nakaupo sa may likod ng malaking puno. ]

"Bata. Bakit ka umiiyak?"

"Huhuhu."

"Bata. May nangaway ba sayo. Tahan ka na. Andito ako oh. Sasamahan kita."

"Huhu"

"Bata. Wag ka na umiyak oh. Hmm. Ah teka alam ko na."

[ Inilabas ng batang lalaki ang dalawang lollipop na nasa bulsa niya at ibinigay ang isa nito sa batang babae. ]

"Eto oh. Para sayo"

[ Nakangting inabot nya ito sa batang babae at dahil dito napatingin ito sakanya at tumigil ito sa pag iyak. ]

"P-para .. sa kin?"

"Oo. Tahan ka na. ok?"

"S- salamat."

[ Kinuha ito ng batang babae at tinabihan naman siya ng batang lalaki salikod ng punong malaki. ]

" Bakit ka ba umiiyak?"

"Inaasar kasi ako ng ibang bata dito. Inaaway din nila ako. "

"Ganun ba. Naku, wag mo sila intindihin basta andito lang ako."

"Talaga?"

"Oo naman."

"Ano bang pangalan mo?"

"Siera. Ikaw?"

"Seb. Kilala kita ah?"

"Ha? Talaga?"

"Oo.Ikaw yung anak nung lalaki."

"Lalaki?"

"Oo..yung.."

[ Naputol ang sasabihin ng batang lalaki ng may biglang dumating na isang mag – asawa at isang lalaki. ]

"Siera. Anak!"

"Daddy!"

[ Agad naman itong tumayo upang yakapin ang ama. ]

"Kanina pa kitang hinahanap anak."

"Sorry daddy."

"Seb! Ikaw pala ang nakahanap sa kanya. Lalaki talaga ang anak ko."

"Opo naman Mommy Daddy."

"Haha! Salamat sa anak mo Janice."

"Haha. Wala yun tara na!"

"Seb! Salamat."

[ At iwinagayway pa ni Seira ang lollipop na bigay sa kanya ni Seb habang buhat ng ama. Ngumiti naman si Seb sa kanya. ]

---

Seb's POV

Nakatingin lang ako sa likod niya habang lumalakad siya palayo sa'kin. Noon kapag ganan na malungkot siya bigyan lang siya ng lollipop o icomfort man lang siya tumatahan na siya kapag umiiyak at nagiging masaya na siya pero ngayon? Iba na talaga ang lahat, kahit ako na kaibigan niya ay nagagawang mapagaan ang loob niya noon pero ngayon wala na akong magawa pa na kahit ano para bumalik siya sa dati.

Fix YouWhere stories live. Discover now