Fifthteen

1.1K 23 0
                                    

Fifthteen

"Anong gagawin natin dito sa Tagaytay?"

Tanong ko sa kanya ng makarating kami doon.

"Mamamasyal. Magpipicnic."

Halos wala pang masyadong tao doon dahil bukod sa alanagang araw ngayon, ay maaga pa din.

Nakakatuwa din naman kahit papaano. Maganda kasi ang view dito sa Tagaytay. Mas masarap din kasing pumunta sa mga ganitong lugar kapag iilan ang tao. Hindi iyung sobrang dami.

Pigil na pigil pa ako sa pag - ngiti ng makita ko si Seb na kinuha ang isang picnic box at isang telang panlatag mula sa likod ng kotse niya. I never imagined that he could be like this.

"Okay lang ba sayo 'to?"

Inilatag niya naman agad ang isang tela sa may damuhan.

"Oo naman."

Agad naman akong nag - indian sit doon.

"Okay then." At saka siya tumabi sa akin at inilabas ang laman ng picnic box."Ano yan? Chicken? Tapos pancit bihon?"

"Oo. Bakit?"

"Sa tagal ba nating magkakilala hindi mo pa din ba alam na ayaw ko ng pancit bihon? At mas gusto ko ang baboy o beef kesa sa manok?"

"Alam ko."

"Alam mo pala eh bakit yan ang dala mo ngayon?"

Buong pagtataray kong sabi sa kanya. Paano ko maeenjoy itong pinlano niya kung yung mga ayaw ko ang dala dala niya? Tss

"Like I said, then maybe bcause of me you'll love everything you hate." Saka siya ngumiti. Naasar naman ako.

"Kung sa gamit Seb, hahayaan kita. Pero pagkain ito eh. Paano kung maimpatiyo ako?"

"Hindi mo naman kailangan kainin lahat. At least try mo lang kahit ilang subo." Naglagay na siya ng kaunting pancit sa isang paper plate."It's better to try something new." Ngumiti siya sa akin at saka inabot angisnag paper plate na may nakalagay na pancit at isang pirasong chicken. Inabutan niya din ako ng plastic fork. "Don't worry ako nagluto niyan. Masarap yan." Kumindat pa siya. Nagpapacute na naman. Tss.

Pagkabigay niya sa akin nonay kumuha din siya ng para sa kanya. Sinimulan kong tikman iyung fried chicken at masarap ang pagkakatimpla ng breeding nito. Sinunod kong tikman iyung pancit at tama nga siya. Masarap. Masarp din siya magluto, malamang sanay siya sa gawaing yun. Pero inubos ko lang din ang binigay niya sa akin. Masarap naman ang luto ni Seb, pero hindi talaga yata kaya ng sikmura ko ang kumain pa ng pancit at manok.

Pagkakain niya din naman ay nagsimula na siyang magligpit. Akala ko pa nga ay aalis na kami, niligpit lang pala niya yung pinagkainan namin.

Halos dumadami na din ang tao dito sa Tagaytay kumpara nung dumating kami. Pero nag-eenjoy pa rin ako kahit marami na ang dumadating.

After ni Seb magligpit ay tinabihan niya na ulit ako. Isang nakakabiniging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi siya umiimik. Hindi ko din naman magawang umimik, bukod sa wala naman akong mahanap na salitapara sabihin sa kanya, ay kahit papaano naiilang pa din ako ngayon mula sa mga nangyari kagabi.

"Siera." Tawag ni Seb sa akin para mabasag ang katahimikan sa pag-itan naming dalawa.

"Hmm?"

"Pasensiya na kagabi ha?" Ito na ba? Bakit siya humihingi ng pasensiya? Siguro pinagtitripan niya lang talaga ako, ano? O di kaya naman aynaisip njiyang mahirap mahalin ang isang cold - hearted na babaeng katulad ko.

"Pasensiya na kagabi kung nabigla kita. Sorry din kung hindi ako umiimik din ng ihatid kita sa inyo." Halos hindi ko siya tinitingnan. Pero aninag ko sa side ng mga mata ko na paminsan - minsan niya akong sinusulyapan. Ako naman ay nanatiling nakatanaw sa magandang view ng Tagaytay.

"Aalm kong mabilis, pero yun ang totoo eh." Ramdam ko sa pagsasalita niya na ngumiti siya ng tipid. "Ang tagal ko din na itinago yun sa loob ko. Sorry kung parang mabilis sayo, pero ayoko naman masayang ang panahon na hindi yun masabi sayo. Baka kasi mawalan na naman ako ng pagkakataon eh."

Ilang minute pa siyang hindi umimik. Siguro ay naghahan pa din siya ng tamang salitang sasabihin niya sa akin. Ako, wala pa ding imik. Parang ayoko na din naman magsalita pa. Ayokong magbigay ng comment sa mga sinasabi niya.

"Mas mabuti na sigurong ganito, ano? Yung hindi ka nagbibigay ng comments sa mga sinasabi ko. Ewan ko, pero Siera, mas mabuti na itong nakikinig ka lang sa akin. Natatakot kasi ako sa oras na magsalita ka.Natatakot ako sa kung anong sasabihin mo. Natatakot akong ireject mo ako ulit." Ireject ulit? Kahit kailan naman ay hindi pa nagtanong o nagtapat sa akin itong si Seb noon, ah. "Na-reject mo na kasi ako nung, niligawan ka ni Louie. I was planning na na magtapat sayo nun, pero wala eh. Naunahan ako ng gago."

So, mahal niya na ako noon pa?

"Pero, Siera. Gusto ko lang sana na malaman mo na lahat lahat ng sinabi ko sayo kagabi ay totoo. Walang halong biro. Pure truth lahat yun. Kaya sana wag mo na lang akong pigilan ha? Hayaan mo na lang ako na mahalin kaat ipadama sayo yun. Kahit di mo masuklian tatanggapin ko, basta hayaan mo lang ako." At hinawakan niya ang kamay ko

Halos mapalunok ako ng ilang beses sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit nangangatal ang kamay ko pero alam kong ramdam niya yun.Kinakabahan na naman ako. Sa lahat ng sinasabi niya kinakabahan ako. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Kapag hinahawakan niya ang kamay ko tuladngayon, para akong isang teenager na ngangayon lang naranasan ang makipag -holding hands sa kaba.

Hindi ako umiimik. Hindi ko din siya tingnan. Natatakot ako na baka pag tumingin ako sa kanya ay mahuli ko ang mga mata niyang nakatitig saakin.

Ilang minute din kaming ganon. Bumalik na naman ang bumabalot na katahimikan sa amin. Parang dumaan ang anghel sa sobrang tahimik namin. Tanging mga boses lang ng ilang naroon din sa Tagaytay ang naririnig ko pati ang kabog ng puso ko.

Nagulat na lang ako ng biglang bumitaw sa kamay ko si Seb.Bigla tuloy akong napatingin sa kanya. At nakita ko siyang may kinukuhang isang tupperware sa picnic box na dala niya.

"Heto oh." Ngiti niya sa akin sabay pakita ng isang tupperware na spaghetti ang laman. May dala naman pala siyang pagkain na ikabubusog ko. Salamat naman.

Agad din siya kumuha ng plastic fork at inabot sa akin ang isa. Sabay kaming kumain. Nagsimula na din siyang magkwento ng kung ano - anoat ako ay patuloy lang na nakikinig sa kanya habang nagbibigay paminsan -minsan ng ilang komento.

Ngayon pa lang, masasabi kong isa akong swerteng tao dahil cold - hearted man ako, may isang taong nagtiyaga sa akin, or worst ay mahal ako. Di ko lang talaga akalain.

Hindi ko din alam kung papaya ba akong manligaw siya saakin. Bukod sa mahal ko pa si Louie, ay isang kaibigan para sa akin si Seb at ayaw ko siyang masaktan. Gusto ko siyang pigilan. Pero mas gusto ko atang  maramdaman ang sinasabi niyang pagmamahal sa akin.

Sobrang salamt Seb. Sa pagstay sa tabi ko.

Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na magpakatotoo ng buo, para masabi ko na sayong sobra akong nagpapasalamat at andyan ka sa tabi ko.

Fix YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang