Two

2.8K 25 0
                                    

Two

"Good morning Siera."

"Good morning!"

"Ui! Good morning."

"Good morning din."



Isang napakagandang umaga, naglalakad ako sa corridor ng school namin, halos lahat bumabati sa kin. Kilala kasi ako ng lahat, kung sabagay, sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa'kin? Maganda, mayaman, mabait, matalino, pala-kaibigban, ika nga nila package na daw dahil na sa akin na ang lahat. Madami akong kaibigan at madami din ang ginustong manligaw sa'kin pero isa lang talaga ang ginusto ng puso at isipan ko.

"Jane!"

"Louie."

Si Louie, ang tanging lalaking pinagkatiwalaan kong ingatan ang puso ko. Ang lalaking una at bata pa lang ay minahal ko na, minamahal at mas mamahalin pa.

"Oh. Para sayo, Jane"

Nakangiting inabutan ako ni Louie ng isang Cloud 9 na choco fudge flavor. Mayaman man ako pero sa lahat talaga ng mga candy at chocolate itong tig-7 pesos ang pinaka favorite ko. Hindi gaanong kayaman ang pamilya nina Louie, oo at masasabi mong mayaman sila dahil sa angking kaya nila sa buhay ay sobra pa pero hindi sila katulad ng pagkayaman ng aming pamilya na kilala ng lahat.

Ganito si Louie every other day, binibigyan niya ako ng chocolate na 'to. Paraan daw niya kasi yun para daw parati siyang may regalo sa akin at patunay din daw yun na mahal na mahal niya daw ako at kailanman ay hindi ako magagawang saktan at lokohin kahit minsan. Nakakakilig diba? Kung minsan nga din na - itatanong ko sa kanya kung bakit hindi na lang niya ako bigyan nun araw araw tutal parati niya akong binibigyan pero sabi niya kaya daw ganon baka daw sumakit yung ngipin ko. Nakakatuwa yung dahilan niya, ng 1st anniversary kasi namin binigyan niya ako ng isang balot na ganun at dahil siguro sa katakawan kong taglay inubos ko talaga agad lahat ng yun na naging dahilan na talagang sumakit ng sobra yung ngipin ko.

At siya lang din ang tumatawag ng Jane sa akin. Mas gusto kong tawagin ako sa pangalang Siera dahil para sa akin ay mas maganda iyun. Pero Jane ang tawag niya sakin, at hinayaan ko na lang dahil gusto daw niya ay kapag tatawagin niya ako sa name ko ay siya lang ang natawag ng ganun.

"Salamat."

"You're always welcome, mahal ko."

"MAHAL KO" yan ang tawag sakin ni Louie kapag madalas kami magkausap at magkasama.

"Hahaha! Tama na nga yan, tara na sa room."

"Best! Louie!

"Ui. Best!"

Si Mica, ang bestfriend ko. Since 1st yr high school bestfriend ko na siya, Madami naman akong kaibigan at madami din ang gustong makipagkaibigan sakin pero ewan ko ba, talagang si Mica lang ang pumasa sa taste ko para maging bestfriend ko.

"Kayong lovebirds ha? Sweet-sweetan na naman kayo. Haha!"

"Oh? Ano?"

Hahaha! Nakakatawa talaga si Louie, parang inis siya kay Mica, istorbo nga naman kasi eh, dumating agad eh naglalambingan pa kami.

"Tama na nga yan. Wag na kayo mag - away. Haha! Tara na sa room."

"Tara!"

---

*kriing kriing*

Nagising ako bigla sa tunog ng alarm ko.

Isang napakaganda at napakasayang alaala, na hindi mawala sa isipan ko at kung minsan sa panaginip ko.

Fix YouWhere stories live. Discover now