Fourteen

1K 23 0
                                    

Fourteen

"And I'll make sure you'll fall in love with me the same way I fall in love with you."

Ang huling salitang sinabi sa akin ni Seb ng umamin siya sa akin na gusto niya ako. Na mahal niya ako.

After niyang sabihin yun ay agad akong nagiwas ng tingin sa kanya.Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya, o kung may dapat ba akong sabihin.

Inihatid naman ako ni Seb after ng acquaintance party nayon. Buong byahe ay tahimik lang kami. Hanggang makarating kami sa bahay tahimik pa din kami. Nanibago tuloy ako. Madalas siyang nang - aasar pero nun inihatid niya ako tahimik na siya.

After namin makarating nun sa bahay parang ayoko atang lumabas ng sasakyan niya. Gusto ko pa siyang kausapin sana. Gusto kong magtanong. Kaso wala namang lumalabas sa bibig ko. I can't find the right words to say. Pero naisip ko nun, na isa lang naman ang tanging gusto kong itanong sa kanya, yun ay kung bakit mahal niya ako.

Nagising na lang ako mula sa pag - iisip kung dapat ko pabang itanong sa kanya yun ng biglang bumukas ang pinto ng passenger seat ng sasakyan niya. Ni hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya ng sasakyan para pagbuksan ako. Kaya naman agad din ako nagtanggal ng seatbelt at lumabas ng marahan mula sasasakyan niya.

Pagkababako agad kong binuksan ang gate namin saka ko siya hinarapat nagpasalamat sa paghatid niya sa akin. Tumango lang siya sa akin at sumakay na din sa sasakyan niya saka umalis. Naiwan akong nakatayo sa gate ng bahay namin.

Pagkapasok ko sa bahay nun ko lang namalayan na suot ko pala ang coat niya. Ipinahiram niya nga pala ito sa akin para daw hindi ako ginawin.

At buti nalang din dahil walang pasok ngayon dahil hindi ko magawang burahin sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Hindi din ako pinatulog nito sa kakaisip. Nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Nakinig na ako ng music at lahat pero hindi talaga ako dalawin ng antok. What worst is that hindi ko man lang magawang bitawan iyung coat ni Seb. Para bang ayokong bitawan ito o mawaglit man lang ng hawak dito. Buong gabi hawak ko lang yun, minsan pa nga ayngagawa ko iyung yakapin. Naubos na nga din ata ang amoy ng coat niya sa kakaamoy ko. Kaamoy na kaamoy niya talaga. Para ko tuloy siyang katabi.

Siguro ay mga 5:30 am na ng dalawin ako ng antok. Then mga 6:30 am ata ay kumakatok na sa kwarto ko ang yaya ko. Ano ba namang aga? Eh nagbabawi pa ako ng tulog ko.

"Hmm? Yaya naman eh! Nagbabawi pa po ako ng tulog!"

Hindi na ako nagabala pang buksan ang pinto. Wala yata akong lakas.

"Pero mam, may bisita po kayo. Kanina pa ho siyang ala sais dito."

Teka, ang aga naman ah? Sino namang baliw na tao ang bibisita ng ganon kaaga?

"Yaya naman eh! Wag mo akong binibiro, inaantok pa nga po ko!"

"Pero mam, kanina pa po si Sir Seb dito."

Shit! Anong ginagawa ng lalaking iyun dito?!

"Ano?!"

Nagulat din naman ang yaya ko sa pag-sigaw ko at agad na pagbukasko ng pinto. At ang itsura ko pa. Nakamake up pa ko at saya. Grabe.Kasi naman kagabi pag kauwi ko wala yata akong gustong gawin kundi ang humiga habang yakap itong coat ni Seb.

"Ay mam, bakit po ganan ang itsura niyo?" Napangiwi pa si yayasa akin.

"Di na ko nakapag - ayos kagabi, ya. Ano pong ginagawa ni Seb dito?"

"Hindi ko po alam mam.Pero buti po at gising na po kayo. Kanina pa ho siyang nagaantay sa inyo. Sige po mam."

At agad akong nilayasan ng yaya ko.

Shit! As in shit! Laking tuwa ko na nga at walang klase ngayong araw dahil magkakadahilan akong hindi makita ang lalaking yun matapos ang mga nangyari kagabi tapos ngayon andyan lang siya sa baba!

Agad naman akong naligo at nagayos ng sarili ng mabilis. Nakuha ko pang magblower at maglagay ng concealer. Ayoko naman atang humarap sa kanya ng muka akong basang sisiw dahil sa buhok ko at mukha akong zombie dahil sa itim ng eyebags ko.

Pagkaayos ko huminga ako agad ng malalim bago bumaba. Shit. Bakit ba ako kinakabahan? Si Sebastian lang yan for pete's sake!

Pagkababa ko agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa namin at sinalubong ako ng nakangiti.

"Hi."

Napasimangot naman ako. Hi? Tapos ngayon nakangiti pa siya samantalang super tahimik niya kagabi?

"Uhm. Hi."

Napalunok pa ata ako ng ilang beses bago ako nakapagsalita din.

"Para sayo."

Agad niya namang inabot sa akin ang boquet ng isang bulaklak.

"You know I hate flowers, don't you?"

Ayoko talaga sa mga bulaklak. Bukod sa nalalanta naman, ay di ko din naman napapakinabangan. Kaya nga noong kami pa ni Louie, I preferred na bigyan niya ako ng chocolates. At isa pa, sa tagal namin na magkakilala ni Seb imposibleng hindi niya alam na ayoko ng flowers. O baka naman nang - aasar lang talaga siya ngayon?

"Then maybe you'll love every thing you hate because of me."

So ganon? Aba't kakaiba din palang manligaw itong si Sebastian eh! Ay teka! Nanliligaw na ba siya?

"Pwede ka bang mag - pants?"

"Ha? Bakit? Ayos naman itong shorts ko ah. Isa pa, hindi naman ako aalis."

"Aalis tayo. So mag - pants ka."

Saan naman kaya kami pupunta nito?

Agad din naman akong sumunod sa kanya. Ewan ko ba. Kahit tamad na tamad akong umalis ngayong araw ay napasunod ako agad sa kanya.

Habang na sa byahe naman ay napasimangot ako sa kanya. Nagdadrive lang siya pero nagagawa niya pa akong sulyapan at mas lalong lumalapad ang ngiti niya at umiiling - iling. Para bang nagpipigil siya ng tawa.

"Pinagtatawanan mo ba ako?'

"Hmm? No." At mas lalo pa siyang ngumiti at humalakhak. Hinampas ko nga.

"Siera uy! Nagdadrive ako." At mas lalos iyang humalakhak.

"Pinagtatawanan mo ako!"

"Nakakatuwa ka kasi! Haha. Ang kapal na ng concealer mo oh!" itinuro niya pa ang mata ko "pero sa kapal na yan halata pa din ang eye bags mo!" at tumawa pa siya. Bwisit!

"Ako ba ang dahilan niyan?" Sinulyapan niya ako at ngising aso na naman siya.

"Anong sinasabi mo?" Halos tumilapon na naman ang puso ko sa kaba. Dahil tama siya! Siya ang dahilan kung bakit ganito ang mata ko ngayon! Pati ang kaba ng dibdib ko!

"I bet hindi ka nakatulog kagabi sa kakaisip sa akin ,ano?" halata sa tono niya ang pagmamayabang. "Kasi at last nalaman mong mahal kita. And I bet also na baka yakap mo pa magdamag ang coat ko. Naiwan ko sa iyo yun, di ba?" Nakangiti pa siyang sumulyap sa akin.

Halos mapalunok ako ng ilang beses. Shit! I'm so fucking guilty! Totoo lahat ng sinabi niya!

"Tigilan mo ako."

Halos mahina lang ang pagkakasabi ko dahil hindi ko magawang magsalita ng ayos dahil sa kaba.

Mas lalo lang naman siyang tumawa kaya nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya at hindi na siya inintindi pa.

Hindi ko siya kayang tingnan ngayon. Hindi ko din magawang tumnggi sa kanya dahil sigurado akong kapag ginawa ko yun, mahahalata niya sa tono ng boses ko na defensive ako! Dahil sa lahat ng sinabi niya, walang mali. Puro tama!

Fix YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora