Seven

1.1K 38 0
                                    

Seven

2 weeks na. Hindi ko alam kung bakit andito sa klase ko ngayon si Louie. Pinagplanuhan ba nila ito ni Mica? Para saktan ako?

Salamat na lang talaga kay Seb na laging dumadaan sa room ko dahil nagkakadahilan ako para hindi ako maipit na makausap si Louie. Hindi naman sa tatangkain kong kausapin siya, at hindi din naman sa nag aassume ako na kausapin niya ako katulad ng ginawa niya nung nakaraan, pero para sa akin mas okay na tong andito lagi si Seb para hindi awkward ang pakiramdam ko pag andyan siya dahil may kasama na ako. Hindi na ako alone.

Naitanong din sa akin ni Seb kung bakit kami magkaklase sa subject na iyun kahit hindi naman kami pareho ni Louie ng course. Siguro ay may pareho lang kaming subject. At hindi ko din alam kung bakit siya lumipat doon kaya bahala na si Seb sa sagot sa mga katanungan niya sa akin.

Pero sadya lang sigurong mapaglaro ang tadhana.

Dahil magkasama lang naman kami ni Louie sa iisang group. Buti na lang talaga group iyun. Hindi yung katulad nung sa amin ni Seb na dalawahan lang dahil kung dalawahan iyun hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

Nasa library lang kami ng mga kagrupo ko para simulan at pagusapan ang nasabing report. Pati na din ang topic na aming itotopic sa report.

Nagtitingin lang ako sa mga libro doon ng lumapit si Louie.

"Jane."

"Hmm?"

Hindi ko na lang inintindi.

"Kayo ba talaga ni Seb?"

Napatingin ako agad sa kanya sa tanong niya.

"Ano ba sayo kung kami?" buong pagtataray kong sabi.

"Concern lang."

"Concern?!"

"So kayo nga?"

Ano ba sa kanya yun? Paninindigan ko na nga lang.

"Oo. Kami ni Seb."

Nakatingin lang siya sa akin. Para siyang may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang ituloy.

"Okay." At agad na siyang umalis.

Anong problema ni Louie?

Nagpatuloy lang kami doon sa pagawa ng project, gusto ko sana siyang kausapin, gusto kong itanong sa kanya kung anong ibig sabihin niya doon sa concern siya sa akin. Bakit siya magiging concern sa akin? Kung siya ang nanakit sa akin noon? Gusto kong itanong sa kanya pero naisip ko din namang hindi tama. Hindi tamang kausapin ko siya about sa bagay nay un. Mahirap na. Baka ma-misunderstand niya. Ayokong isipin niya na hindi pa ko nakakamove on sa ginawa nila ni Mica sa akin.

"Siera!"

"Seb."

Lumapit siya sa akin at ito na. Kinantsawan na naman ako ng mga kaklase ko. Kung sabagay, ilang linggo na kaming ganito. Siguro ay pinaninindigan niya na kami, pero okay na din yun. Makakatulong din para maipamukha ko kina Mica na okay na ako. Na move on na ako.

"Magkagroup pala kayo ni Louie eh." Di ako umimik. Wala din naman akong sasabihin sa kanya.

"Hindi ka ba niya ginugulo?" umiling lang ako.

"Hindi siya nangungulit?" umiling lang ako ulit.

"Kinausap ka niya kanina?" tumango lang ako.

"Ano sabi niya sayo?"

"Wala."

Wala naman kasi talaga. Wala naman kasing dapat ikweno sa kanya.

"Nagpapaka – friendly na naman ba sayo?" umiling ako.

"Okay ka lang naman na kaklase mo siya?" tumago ako.

"Teka, mahal ka pa ba nun?" napasimangot ako at nagkibit – balikat na lang

"Eh ikaw? Mahal mo pa ba?"

Napatigil ako sa paglalakad. Seb! Kaninang kanina pa ko nagtitimpi sayo ah!

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!"

"Sus. Eto naman. Okay lang naman umamin Siera."

"Tigilan mo ko ha? Kanina ka pa dyang nakakapikon ka na."

"In denial."

"Hindi ako in denial!"

"So mahal mo pa nga?"

"Ano?! H – Hindi nan oh!"

"Weh?"

Nakakapikon ka Seb!

"Tumahimik ka nga. Bakit ba napaka curious mo? Bakit napaka tsismoso mo? Ha? Tigilan mo ko Seb, saka isa pa tumigil tigil ka sa mga pagkasweet mo sa harap ng ibang tao. Hindi kita boyfriend! Kung makaasta ka at makatanong akala mo naman totoo tayong magkarelasyon!"

Buong inis at simangot na sabi ko sa kanya. Pero ang luko, ngumisi pa sa akin.

"Bakit? Na – iinlove ka na ba kaya ayaw mo ko maging sweet?'

"Ano?!"

"Nahuhulog ka na ba sa'kin? Nahuhulog ka na ba sa taglay kong karisma?"

Lumalapit pa siya. Tinulak ko nga.

"Layuan mo ko Sebastian!"

"Bakit? Kinakabahan ka ba?"

"Ano?"

Langya Sebastian lumayo ka!

"Bakit? Haha. Alam mo Siera.." lalo pa siyang lumapit. Napapa atras na ako. "..Ok lang naman kung sabihin mo sa aking naiinlove ka na. Pwede ko naman sabihin sa akin kung gusto mo ng totohanin. Wag kang mag alala gusto ko din yun."

Nakangisi pa siya sa akin at kumindat. May pagtaas – taas pa siya ng kilay. Ano bang ginagawa niya? Tinulak ko nga ng malakas. Ayoko ng ganyan. Kinakabahan ako. Jeez Sebastian.

"Aray naman Siera. Napaka mapanakit mo naman." Nagpout pa.

"Tantanan mo ko Sebastian!"

At agad akong nagwalk out. Narinig ko pa siyang tinatawag ako. At dahil sa di hamak naman na mas malaki siyang hmakbang sa akin naabutan niya ako.

"Yieee si Siera, in love na sa akin." At humalakhak pa siya ng malakas.

At ayan na naman siya. Nangungulit na naman. Tigilan mo ko Seb kung ayaw mong masapak!



-- 

Dedicate ko po sayo ang chapter na to since ikaw ang first vote ko. Salamat. :)

Fix YouWhere stories live. Discover now