Twenty Eight

825 19 1
                                    

Twenty Eight

Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng pangamba si Seb sa  aming relasyon. Well, hindi naman niya directly sinabi na nangangamba siya saaming dalawa pero as his girlfriend ramdam ko yun sa kanya. Lalo na sa mga titig niyang iyun sa akin, at halata sa mga mata niya ang takot pero andun pa din naman ang pagmamahal at kasiyahan niya ng kasama ako.

Pagkahatid niya sa akin nun ay nagstay lamang siya sa bahay ngmga 30 minutes. Saglit siyang nakipagkamustahan kay daddy at umuwi na din agad after. Malamang ay hinahanap na yun sa kanila. Gabi na din kasi. Kahit pasabihing may paalam siya sa parents niya ay sure akong nag-aalala na ang mga ito.

Nang gabi ding iyun ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari. I want to assure him na wala dapat siyang ipagalala sa aming dalawa. Yes, I know that he's fully aware na nung nagdecide akong suklian ang pagmamahal niya ay hindi pa ako fully nakakamove on kay Louie, pero sana naman ay hindi yun maging dahilan para mangamba siya at magalala sa kung ano mang meron kaming dalawa ngayon. I love him, that's for sure. I want to prove to him na mahal ko talaga siya pero hindi ko talaga alam kung paano.

Kaya nagdesisyon akong makipagkita kay Summer bukas ng maaga sa school kahit tanghali pa ang aming klase bukas. Pinaunlakan niya naman iyun.Gusto ko sanang magopen sa kanya. Babae din siya, malamang alam niya kung paano ko maipapakita kay Seb na mahal ko siya. Besides, she's a friend. Oo, nakakatakot na magtiwala na lang ng ganon ganon, pero wala naman sigurong masama kung mag-try akong magopen at magtiwala sa kanya, besides, hindi naman siya naging masama sa akin.

Kaya naman kinabukasan ng nagdala dito si Seb ng bulaklak para sa akin ng maaga ay sumabay na ako sa kanya papasok ng school.

"See you later na lang next subject?"

"Yup."

Ngumiti ako.

"Sure ka bang andito na si Summer? Baka mamaya nag-iisa ka pa dyan.Gusto mong samahan na muna kita?"

"Hindi na. Male-late ka pa sa klase mo. Andito na rin naman si Summer, magkatext kami." Ngumiti ako lalo to assure him.

"Ang ganda talaga ng ngiti mo. Namiss ko yan." At ngumiti din siya ng malapad sa akin. "Take care, okay? I love you."

"I love you too."

Saka niya ako hinalikang muli ng mabilis sa noo at saka na siya dumeretso  sa unang klase niya. Ako namanay dumeretso na sa dati kong tambayan, sa garden sa likod ng university para makita na si Summer doon.

Pagkarating ko doon ay nakaubob lang siya.

"Hey." Tawag ko sa kanya at saka ako tumabi sa kanya.

"Hmm?"

Nakaubob pa din siya. Hindi kaya puyat ang babaeng ito? Pero bakit naman siya mapupuyat?

"Uy! Summer."

Nang tinapik ko siya ay saka lamang siya tumunghay.

Nabigla ako ng makita na pugto ang mga mata niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagiyak iyang itsura niya o dahil ilang araw siyang puyat. May dark circles din ang mga mata niya ngayon. Pero bakit naman siya mapupuyat? Hindi pa naman kami naghahabol ng mga projects ah?

"Anong nangyari sayo?"

"Hmm? Wala!"

"Di nga? Anong nangyari?"

Alam kong hindi ako isang ganon kabait na kaibigan pero concern din naman ako sa kanya kahit papano.

"Eh kasi naman Siera. Yung lalaking kasayaw ko nung acquaintance party last semester.."

"Ano?"

"Bading pala ang gago. Kainis!"

Okay. So hindi ko kilala kung sino yung kinahuhumalingan niyangiyon. Alam ko lang siya sa pangalan pero hindi ko kilatis ang pagkatao niya.Hindi naman kasi siya ipinapakilala ni Summer sa akin though madalas aynaikukwento niya ito at nasabi niya na sa akin na crush na crush niya ang lalaking iyun.

At ngayon pano ako magoopen sa kanya kung broken hearted pala siya? Ayoko naman makadagdag sa problema niya.

"Haay. Hayaan na nga natin yun." Inayos niya ang kanyang sarili."Maganda ako! Madami pa akong makikilala dyan na mas gwapo ng sobra sa kanya! So, bakit mo ako niyaya ng ganito kaaga?"

"Ha? Wala naman."

"Asus. Wag ka na mahiya sa akin Siera. Ikaw yung tipo ng tao na hindi tatawag kung hindi naman mahalaga. So, what's up? About ba sa inyo ni Seb? Nagkakalabuan na ba kayo? Join forces ba tayo ngayon sa pagiging broken hearted?"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Paano niya naiisip ang bagayna yun? Eh halos ipagkanulo niya ako kay Seb dati.

"Just kidding."  Tumawa siya. "Gusto ko lang kasi talaga ng kasama na broken hearted din. Masyado naman kasing maganda ang takbo ng love life mo. So, ano na? Spill it na."

At nagsimula na akong magkwento sa kanya. Kinuwento ko sa kanyaang lahat ng nangyari mula ng iwan niya ako doon sa birthday party ni Kara hanggang sa buong nangyari kahapon.

"Hmm? So the ex wants to be friend with you."

Tumango ako.

"Actually, hindi ko alam ang sasabihin sayo. Louie will be a threat forever kay Seb, maliban na lang kung mag-asawa na kayo. Pero it's up toyou pa din talaga Siera kung papaunlakan mo ang pakiusap niya. If it was me, well, I could give to him the friendship he wants but it's really different inyour situation. You know what I mean."

"Yes."

"So, yun."

After ng usapan na yun ay hindi ko na siya tinanong pa. Nagsimula na lang kaming magusap about sa ibang bagay. Ikunwento niya din ang kanyang,ayon sa kanya ay masalimuot niyang unang pagibig. Umibig pala siya ng bading.

Gusto kong mag-move on talaga. Ayoko na ngsa bawat araw na dumadaan ay naiisip ko ang presensiya nina Louie at Mica. I want them gone in my system. Pero paano ko gagawin yun lalo na at lumalapit ngayon si Louie sa akin palagi asking for friendship na hindi ko naman maibigay bigay dahil sa pride ko.

Yes. Ma-pride na kung ma-pride pero ayokong magmukang tanga naman ako na tatanggapin na lang agad ang pagkakaibigan na inaalok niya kahit napatawad ko na siya.

And like Summer said, this could be a threat to Sebastian. Ayokong maging threat si Louie sa kanya. Wala na si Louie para sa akin. Si Seb naang mahal ko. And I also want Seb to stay confident sa pagmamahal ko.

Fix YouWhere stories live. Discover now