Thirty Six

880 15 1
                                    

Thirty Six


Hindi ako inihatid ni Seb ng araw na yun sa bahay. Ewan ko dun kung bakit. May gagawin pa daw siya.

Pero nang gabing yun ay nagulat ako sa biglang pagbisita niya sa bahay. Kasama niya ang kanyang ama.


"Sinama ko na po si papa. Gusto niya daw kayo makakwentuhan." Ngiti ni Seb kay daddy.

"Aba. Mabuti na din yun noh." Tumawa si daddy. "Tara sa kusina Sebastian."

Sumunod naman ang ama ni Seb kay daddy.


Sadyang magkakilala ang aming mga ama noon pang kabataan nila. Kaya nga din kami magkakilala din ni Seb eh bukod sa pagiging magkaklase namin noong elementary.

Sebastian din ang pangalan ng kanyang ama. Isinunod ang pangalan ni Seb sa kanyang ama. Yun nga lang, nilagyan ng Kurt.


"Sa pool area tayo?"

Tumango siya sa akin at saka kami pumunta doon.

Pagkarating ay umupo kami sa isang tambayan malapit sa may pool area. This is my usual spot pag ako lang sa bahay.

"Anong dala mo?"

"Tingnan mo." Ngiti niya sa akin kaya agad kong kinuha ang paper bag na dala niya. Mayroon itong dalawang tupperware.

Napanguso na lang ako ng makita kung ano ang laman ng tupperware. As usual, pancit bihon at pritong manok.

"What?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Bakit ito na naman?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.

"Masarap naman luto ko niyan eh. Sige na, kainin mo na."

Napailing na lang ako.


Alam ko hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko kinakain itong dala niya. Madalas ay ganito kaya kahit hindi ako mahilig ay nasasanay na akong kumain ng mga pagkaing ito.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan bago siya tinawag ni tito para umuwi na. Ika ni tito ay hinahanap na siya ni Tita Janice kaya kailangan na nilang umuwi.

Sa school naman ay kahit palagi kaming magkasama ni Seb ay patuloy akong kinakausap ni Louie. Ni hindi siya natatakot na masuntok nito.


"Jane. Please let's talk. I'm sorry for what happened. Hindi ko naman sinasadya. But I really want you to know na mahal pa din kita."


Yan ang lagi niyang line.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saang lupalop pa ng mundo niya nahuhugot ang lakas ng loob at kakapalan ng mukha para sabihin sa akin ang bagay na iyon.

Isa siyang manloloko. Niloko niya ako. Kaya di na ako magtataka kung niloloko niya ako ulit ngayon at pakulo na naman nila ito ni Mica para sirain na naman ang buhay ko.


"Jane."

"Siera!"

Napatingin ako bigla sa tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita kong papalapit na si Seb sa akin. Pagkalapit niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"May kailangan ka sa girlfriend ko?"

Umiling lamang si Louie at bumaling sa akin.

"I hope magkausap na tayo sa susunod, Jane."

Fix YouWhere stories live. Discover now