“Hindi naman porket marami kang problema ay masama ka na. Sobrang lakas mo nga eh, kasi ang daming binigay na challenge sa’yo. Remember, hindi naman ‘yun ibibigay ng walang dahilan. Relax lang, Bek.” At nginitian ako ni Roxanne.

Napabuntong hininga talaga ako. Una, dahil kay Rye. Pangalawang buntong hininga, kay Values Teacher na yun. Pangatlong buntong hininga, sa TOR ko. Kailangan ko na kasi ‘yon. Sobra.

“Salamat sa super words of wisdom mo. Feeling ko tuloy eh TOR lang ang problema ko,” at narelax ako. I was about to say another word nang pigilan niya ko.

“Bek. Bek. Look who are coming! Tingin sa likod dali!” pagkasabi niya no’n, dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at tumingin sa entrance ng canteen.

What the f***. Ano ‘yung nakikita ko? Si Rye at ‘yung Chloe na sinasabi nila? Pero. Parang guguho ang mundo ko. Sobrang. Guguho pala ang mundo nila dahil may ginagawa silang hindi ko talaga nagugustuhan. Nakakainis. Nakakainis.

“Xanne, wait lang. May aayusin lang ako,” paalam ko kay Roxanne.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Hinayaan kong matakpan ng bangs ko ang mukha ko, para hindi sobrang obvious na ako ‘yon. Dala ko ang tray na pinaglagyan ng tray ng pagkain namin ni Roxanne at sinalubong ko sila sa paglalakad nila sa cashier ng canteen.

“Oops. Sorry,” sabi ko nang sinadya kong sanggiin ng tray si Chloe. Like. Duh. Mas makinis pa ko sa kanya. Ang liit pa niya.

Binilisan ko ang lakad ko para diretso  na ko sa labas ng canteen para makaiwas na rin sa gulo at sa paghihinganti niya. Kasi, warning lang naman ‘yung pagbangga ko sa kanya. Psh.

“Hey. You. Come here,” nakatalikod na ako at hahawak na sana sa handle ng glass door nang marinig ko ‘to.

Did she just call me? Gusto ko ‘to. Gusto ko ng riot. I just love it.

Tumahimik sa buong canteen. Tumigil sa pagkain lahat ng estudyanteng nasa loob. Nakalimutan nilang huminga at tuluyang tumingin sa amin. Ako, naaalala ko pa kayang huminga. At huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

“Your problem?” I said, as I faced them.

Si Rye. Worried ‘yung mukha. Nakaawang na. As in, nawawala rin pala ‘yung hotness niya sa ganitong pagkakataon. Hindi pa siguro niya alam na pumunta ako sa school. Hello. Isang buwang walang communication tapos biglang makikita sa ganitong encounter.

“Rebecca. You’re here,” said Railey.

“Absolutely,” I answered. Pagkasagot ko kay Railey, tinaasan ko ng kilay ‘yung maliit na babaena kasama niya. Non-verbal form of communication na ang ibig ko talagang sabihin, “Papatol ka?” ang angas ko.

Ini-scroll niya ang buong katauhan ko simula anit hanggang kuko sa paa. Tinignan niya ko na akala mo may x-ray machine sa mata niya na ma-iidentify ang lahat ng flaws sa katawan ko. Bago siya nagsalita, nagkaroon ng maliit na kurba sa gilid ng kanyang labi. “So, you’re Rebecca. It’s nice to meet you,” then she attempted to make a beso-beso at me.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now