Hinipan ni Coach ang pito kaya tumakbo na ako…

Tapos talon patalikod…

BANG! Alam kong natamaan ko ang bar.


“Ano ba yan, nagbakasyon ka lang, nawala ka na sa kondisyon?” sabi ni Coach.

“Sorry Coach, walang warm up eh.” Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Ilang ulit akong tumalon…

Tatlo…

Lima…

Sampu…

Pero laging nalalaglag yung bar.

“2 m and 30 cm naka-set ang bar. Yan ang latest record mo, bakit hindi mo magawa ngayon?” iritang tanong ni Coach.

Napayuko nalang ako.

“Magpahinga ka nalang muna, okay? At i-clear mo nga yang utak mo! Baka kung ano-ano na namang bagay ang iniisip mo. Nakakaapekto yan sa talon, Taejoon. Alam mo naman siguro yan.” Sabi ni Coach sabay sabi kay Hyeonjae na siya na ang sumunod.

Nagbihis na ako sa locker room saka lumabas ng gym.

“At i-clear mo nga yang utak mo! Baka kung ano-ano na namang bagay ang iniisip mo. Nakakaapekto yan sa talon, Taejoon. Alam mo naman siguro yan.”

 

 

 

 

 

Yan na yan. Yan yung dahilan kung bakit iniwan ko si Jaehee noon. But I can’t afford to lose her again.

Ano naman kayang dahilan bakit hindi ko nagawa ng maayos yung kanina? Tiningnan ko ang paa ko. Oh well, baka masyado lang akong occupied ngayon.

***

“TAEJOON! TAEJOON!” sumisigaw at tumatakbong lumapit yung apat na baliw sa akin.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now