“Ang saya naman.” Sarkatiko kong sabi.

“Susunod ka na rin, Taejoon.”

“Oo nga.” Sabi ko.

“Magtayo na tayo ng club ng mga taong nasa one-sided love relationship.” Biro niya.

“Hindi yan. Mamahalin ka rin niyang si Eungyeol. Tapos ako, mamahalin ulit ni Jaehee.”

“Wow. Optimistic masyado ha?”

“Oo... Kahit na ayaw niya akong makausap. Galit yan ngayon sa akin.” Sabay yuko.

“Ha? Bakit?” curious na tanong niya.

Ngumit ako at nagsimulang magkwento ng nangyari sa rooftop. At least, medyo gumaan naman pakiramdam ko na may napagsasabihan ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon. May handang makinig, at yun ay si Hanna.

***

Days passed and sobrang tahimik ng bahay. Malapit na nga rin ata akong maging pipi eh. Pinanindigan ko yung sinabi niyang ayaw niya na akong makausap kahit kailan. Hindi ko  talaga siya kinakausap!

Kapag kakain naman, madalas nauuna siya tapos susunod ako. Walang imikan. Para kaming nasa magkabilang mundo. Parang hindi naman nakikita ang isa’t-isa.

Wednesday ngayon at training day namin. Inayos ko ang varsity bag ko at lumabas na ng bahay at pumunta na sa school. Maaga kasing umalis si Jaehee.

Pagdating ko sa Genie High, nasa kanya-kanyang training na ang mga estudyante. Dumeretso ako sa gym, at nakita ko doon si Coach.

“Buti naman at dumating ka na, magttraining na ulit tayo. Alam mo naman sigurong ikaw ang ilalaban ng school sa City Sports and Arts Fest.” Sabi ni Coach.

“Yes, coach.” Nagbihis na ako sa locker room at saktong nandoon si Hyeonjae, high jumper din ng school.

“Grabe, ikaw na talaga ang magrerepresent ng school? Wala na akong pag-asa?” sabi niya.

“Hindi ko nga rin alam kung bakit ako agad eh.” Honest kong sagot. Totoo naman, biglang ako nalang. Medyo unfair rin noh?

“Oh basta, galingan mo! Pag hindi mo kaya, sabihin mo lang at ako ang lalaban.” Tapos tumawa siya.

“Sure.” Tapos lumabas na siya ng locker room.

Pagkatapos kong magbihis, agad akong pumwesto at naghanda sa pagtalon.

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now