At bakit ba umiiyak na naman ako? Pesteng luha naman oh. Diba sabi ko sa sarili ko, hindi ko na iiyakan ang Kang Taejoon na yan? Matigas na ako ngayon pero bakit lumalambot na naman?

“Panyo oh.”


“Meron ako niyan. Salamat.” Pag-angat ko ng tingin… O_O

“CHA EUNGYEOL!” sa sobrang tuwa ko, napatayo ako at napayakap sa kanya. “Andito ka na *sniff* na-miss kitang unggoy ka. *sniff*”

Tumawa si Eungyeol at niyakap rin ako. “Na-miss kita, Jaehee.”

Bumitaw na ako sa yakap. Sa wakas, may GV na! Nandito na ulit si bestfriend. May punching bag na ulit ako!

“Ano bang problema mo at umiiyak ka? Naalala ko tuloy noong una tayong nagkakilala." Tapos tumawa ako. "Teka, may nagpaiyak ba sa iyo?!”

“Si Taejoon.” Malungkot kong sagot.

“Kang Taejoon na naman?! Siya nalang lagi…” He sighed. “Sana sa akin ka nalang ikakasal. Sana sa iyo nalang ako ikinasal. Siguro wala tayong problema.” Tapos yumuko siya.

“Anong pinagsasabi mo? Ha? Teka, don’t tell me may problema rin kayo ni Hanna?” Oh no… My poor bestfriend.

“Sinabi ko sa kanya na… ikaw ang gusto ko, Jaehee.

O_____O

HAAAAAAAAAA?!

So you’re telling me na nagkakatotoo yung joke ko kay Taejoon na gusto ako ni Eungyeol? Uy joke ko lang yun!


"Wag ka ngang magbiro diyan, Eunggoy!" Nawala na yung mga luha ko.

"Ayan, wala na yung mga luha mo." Tapos ngumit siya.

Whoa. Nakahinga ako doon, akala ko, seryoso siya. Pero effective ha, nawala nga yung mga luha ko!

Marrying My Ex [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon