"Sira ka talaga!.." pabulong na wika ni Aslea saka nito pasimpleng kinurot ang tagiliran ni Shannon kaya naman napatawa ang ito dahil sa may kiliti doon.

"Babe, mamaya ulit huh" pabulong na sabi nito kay Aslea.

"Naka tatlong puntos kana nga kanina eh!" nakataas ang kilay na sagot ni Aslea ngunit sa loob loob niya ay natatawa kay Shannon.

"Wala pa nga sa kalahati ang nailalabas ko! Eh baka hanggang bukas ay puno na naman ang pantog ko" mahinang sagot ni Shannon sabay tawa nito.

"Eh di ilabas mo sa may banyo!" nandidilat na sagot ni Aslea sa mahinang boses nito.

"Pwede narin,babe. But gusto ko kasama kita para pati ikaw ay mailabas mo rin. Babe, delikado iyan kung magbara" nanunudyong turan ni Shannon.

"Diyan ka talaga magaling!" nangingiting sabi ni Aslea dahil natatawa siya sa  mga pinagsasabi ni Shannon.

Ilang sandali pa ay lumapag ang helicopter sa may malawak na kapatagan at doon ay May naghihintay na isang karawahe.

Parang gusto ng bumagsak ang mga luha ni Aslea sa sayang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon.

Napapalibutan ng mga kung anu anong dekorasyon ang karawahe ng kulay ng motif nila na lavender. Pati maging ang mamang nagkasakay doon ay naka long sleeve ng lavender. At ang sahig ng karawahe ay punong puno din ng lavender flowers and red roses petals.

"How sweet naman ng my Boastful Hubby" naibulong ni Aslea sa sarili habang tinutugma ng kabayo ang daan patungo sa venue ng kanilang kasal.

Nang tumigil ang karawahe ay sa mismong pagdarausan na siya ng kanilang kasal at natatanaw na nga niya si Shannon na naroon at naghihintay sa kanya at sa may likod nito ay ang pari na siyang magba basbas ng kanilang kasal.

Nang bumaba na siya sa may karawahe ay ang mga magulang naman niya ang mga umalalay sa kanya at ang kasama niyang nagmartsa patungo sa kinaroroonan ni Shannon.

Habang hinihintay ni Shannon si Aslea ay hindi niya napigilan ang mapaluha. Masayang masaya siya dahil matutupad na ang kanyang pinakaaasam niya sa kanyang buhay, ang mapasa kanya si Aslea at ngayon ay may Shantelle at Shane pa sila.

Nang maihatid na ni Mommy Pretty at daddy Renan si Aslea sa harap ni Shannon ay ilang mga emosyonal na salita ang namagitan sa kanila na siyang nagpaiyak kay Aslea at ng matapos ay saka sinabi ng pari na mag u umpisa na ang misa dahil papalubog na ang haring araw.

Bawat isa na saksi sa pag iisang dibdib ni Shannon at Aslea ay naging emosyonal. Ang mga kaibigan niyang sina Homer, Ulysses, Nathaniel at Keith ay mga abay at ang kanilang mga asawa narin ang siyang mga partner nila.

Isang mahabang makabag damdaming seremonya ang ibinigay ng paring nag me misa sa groom a d bride bago nito idineklara na ganap ng mag asawa sina Shannon at Aslea. At ng sabihing YOU MAY KISS THE BRIDE ay nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw ng MABUHAY ANG BAGONG KASAL. At ng hagkan na ni Shannon ang labi ni Aslea ay kasabay naman ng pagsaboy ng mga confetti at mga petals ng mga bulaklak mula sa may helicopter na noon ay lumilibot sa himpapawid.

"Congratulations, my wife and my babe!" kaytamis ng ngiting wika ni Shannon saka muli nitong hinagkan ang labi ni Aslea ng buong pagmamahal.

"Thanks my husband, my one and only babe!" naiiyak na sagot ni Aslea saka muli nitong tinugon ang halik ni Shannon at yumakap ng mahigpit.

"Ahemmm!... Mister and Misis, sorry sa disturbo pero it's time now para sa pagbibinyag ng inyong kambal" anang pari habang naka microphone ito kaya tawanan at kantiyaqan ang inabot ng dalawa.

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن