Chapter S: Sa Kabila ng Lahat

7.6K 74 3
                                    

Alex's POV

"Aish!! Ano ba yan?? Kaaga aga, may tawag ng tawag sakin?? Nakakainis naman!!!" sabi ko habang tinatamad na inaabot ang phone ko sa headboard ko.

Binuksan ko ang mga mata ko ng maliit. Yung enough lang para makita ko ang screen ng phone ko. Kailangan ko pa kasing mag adjust sa liwanag dahil kanina pa akong tulog.

2:07 pa lang ng madaling araw ay nangungulit na si Red. Ano bang problema ng taong ito??

Mariin kong pinindot ang answer button at nakapikit na sinagot ang tawag. Haler!!! Ilang oras pa lang akong tulog tapos gigisingin nya ako ng ganito kaaga?? What the heck!

"Hello??" tinatamad kong sagot. Like seriously?? Im pregnant and I should have proper sleep. I haven't even visited a doctor for my condition. Saka na lang pag nasa NY na ako.

"Thank God! Buti naman sumagot ka na! I've been calling you for hours!!" sabi nya sa kabilang linya. Ano bang problema ni Red?? Agang aga, nang iinis.

"Red, do you know what time is it?? It's 2 AM in the morning. I am suposed to have my sleep and your calling me. Your reason must be good dahil guguluhin ko ang araw mo bukas pag nang aasar ka lang!!" sabi ko naman sa kanya na medyo nagigising na din.

"Look. Kevin's got in a accident. Hindi ko alam kung dapat kong ipaalam sayo pero sinabi ko na rin. I think you deserve to atleast know it." lalo namang nagising ang diwa ko sa sinabi nya. Seriously?? I hate jokes.

"I hate jokes Red and now is not the right time to do it." naiinis kong sagot. Bakit ba naman kasi nagjojoke ng ganun??

"Do you think I would joke on something serious like that? Damn, Alex!!! Bestfriend ko yun at ex mo yun!" galit na sabi ni Red. Pagkasabi nya nun, automatic nyang tumulo ang luha ko. Shit naman o. Pinunasan ko ang mga natulong luha pero hindi sya natigil. Pinipigil ko ang paghikbi ko para di marinig ni Red. Kailangan kong kumalma.

Binaba ko na yung phone matapos sabihin ni Red kung saan yung hospital. Pupunta ba ako? Bakit ba, palagi na lang syang naaakasidente?? Bakit ba feeling ko, ako ang may kasalanan nito?? Kaya ba ako kinakabahan kanina?? Shems. Anong gagawin ko??

Tulala akong bumaba ng hagdan at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref para ikalma ang sarili ko. Umupo ako sa may upuan ng bar at umubob. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Nakakainis ka Kevin!! Nakakainis ka!!!

"What are you doing early in the morning Alexandria?" tanong ni Matt. Bigla naman akong kinabahan,kala ko kasi si Tristan yung padating. Ayaw kong makita nyang umiiyak ako.

Inikot ko ang upuan ko at tumalikod kay Matt. Hinarang ko ang buhok ko sa mukha ko at nilapitan sya. Hinawakan nya ang dalawang balikat ko at nagsalita. "Something wrong?"

Unti unti kong inangat ang ulo ko at humarap sa kanya. Umiiyak ako. Bigla nya akong niyakap. Over protective talaga si Matt kahit na noon pa. "Kuya.." umiiyak kong sabi.

"Shhhh..Tahan na. Ok? Bakit ka ba naiyak?? Baka niloloko mo lang ako ha??" sabi pa nya. Walang hiya to, umiiyak na ako, niloloko pa ako.

"Si...si Kevin." unti unti kong sinabi sa kanya. Hindi ko kasi kayang biglain. Baka matumba ako ng di oras. Bumitaw naman si Matt sa yakap at hinawakan ang muka ko. Pinunasan ang luha ko at nagsalita. "Pupunta ka?? Gusto mo, ihatid kita??" hindi ko alam kung bakit pero parang automatic na um-oo ako sa kanya.

"Go change your clothes then lumabas ka na. Ihahatid kita." inalalayan nya ako hanggang sa kwarto ko. Pag-upo ko sa kama ko, umiyak ako lalo. Mula kasi sa pwesto ko, kitang kita yung bear na bigay ni Kevin. Naiiyak ako lalo.

"Tawagan mo na lang kung magpapasundo ka na." sabi ni Matt at niyakap ulit nya ako. Hinatid nya ako hanggang dito sa labas ng room ni Kevin. Katatapos lang daw ng operasyon sa kanya. Nandun si Red, si Ate Kim, si Tito at si Ash. Sinalubong naman ako ni Red. I try to stay calm. Huminga ako ng malalim bago umupo sa may bench.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon