Chapter 29: Hindi ako BITTER =.=

11K 120 3
                                    

ALEX'S POV

Pagkatapos ng convo namin ni Nanay Edith, I decided na umuwi na. Wala na rin naman akong gagawin.

Masaya na akong marinig ang mga sinabi ni Nanay sa akin.

Kaya lang, yung mga baliw kong kaibigan, tinawagan ako.

Gimmik daw kami. Anu pa nga bang magagawa ko??

Sasama na lang ako. Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung naiiwan ako, kaya gora!! Sama ako!!

7 pm pa naman ang usapan kaya  nakauwi pa ako sa bahay para makapagpalit.

As expected, I wore a black dress.

One sided lang sya. Tapos syempre kailangan, killer heals.

Ganito kasi kami pag may gimik ang barkada.

Todo outfit kahit na dyan lang naman yan.

Well, alam kong 7 sharp ang usapan namin pero dumating ako mga 7:30 na.

Ako pa?? Ako kaya ang Queen Bee ^__^

"Wow ha. 7 pm sharp. anung oras na te??"

"7:30" kaswal kong sagot kay Clarissa.

"Wow. Ang aga mo te ah." sabi naman ng kagagaling lang sa loob na si Jane.

"Ghad!! Sayang ang outfit ko, naghintay lang ako para sayo."

"Sorry ha. Hiya ko naman sa outfit mo." sarcastic kong sagot sa kanya.

Clarissa was wearing a very revealing dress. Yung backless ba. Yung katulad ng suot ni Anne Curtis sa TVC nya ng Century Tuna. Mag promote daw ba?? =.=

"Talaga. At ikaw? Anu naman yang kulay na yan ha??"

"Black."

"Saan ang luksaan teh??"

"Sa loob meron, dahil mamaya, mamamatay ka pag di ka pa tumigil sa pagsasalita."

Natahimik naman sya sabay smirk na lang sa akin.

Diba?? Kaibigan ko talaga sila.

Pumasok na kami sa bar.

Kasabay kong pumasok si Jane wearing a very simple emerald green dress.

Anu pa nga bang aasahan ko?? Ganito na talaga ang susuotin nya. Manang yan ei.!

"Pero, bakit nga ikaw nakaitim ngayon??" curious na tanong ni Jane.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon