Chapter 28: Nanay Edith's Advice

11K 129 8
                                    

ALEX'S POV

Gusto ko munang lumayo sa eksena. Gusto ko munang matahimik ang buhay ko kahit na isang araw lang. Gusto ko munang maging malaya at maging totoo sa sarili ko, kahit ngayong araw lang.

I decided na wag ng tumuloy sa University ngayong araw. Gusto kong magbakasyon from bitchness and bitterness. Kahit ngayon lang, wag kong masagap ang aura ng Ashley na yun. Marinig ko lang ang pangalan nya, naiirita na ako at nagbabaga na sa init ang ulo ko.

Pumunta ako sa park kung saan kami nagpunta ni Bakuls dati. Yap. Dito nga. Ang tanga ko rin no?? Magbabakasyon daw pero kasama pa rin naman sya. Not physically pero emotionally.

I remember nung pinakain ko sya ng kwek kwek. He didnt even believe me na kumakain ako nun. Para daw kasi akong hindi kumakain ng mga ganung bagay.

Habang tahimik akong nakaupo sa bench, pinapanuod ang mga taong nadaan, napukaw ng atensyon ko ang dalawang magkarelasyon na sobrang sweet sa isa't isa.

Bakit nga ganun no?? Kapag bago pa lang ang pagmamahal, dinaig nyo pa ang asukal sa sobrang tamis nyo. Tapos mamamalayan nyo na lang na nababawasan ang tamis habang tumatagal nagiging mapait. Tapos magkakalamat tapos matatapos.

Ganun ba talaga ang buhay? Palaging kailangan kang iniiwanan ng taong mahal mo? Ang dating saya, napapalitan ng lungkot. Ang dating matamis na ngiti, napapalitan ng mapait na luha. Ang dating pangakong always and forever, naglalaho.

Kung kanina, isang magkarelasyon lang ang nakikita ko, ngayo isang eksenang sobrang pinagkaguluhan ng lahat. Isang marriage proposal. Buti pa sila, natagpuan na ang happily ever after nila, ako kaya?

Hindi ko maiwasang maiinggit. Naalala ko kasi yung kunyaring kasal namin ni Bakuls. Alam ni God kung gaano ko gustong hilingan sa kanya sa sana totoo na lang lahat ng yun. Yun din kasi yung araw na inamin ko sa sarili ko na mahal ko sya pero isang araw lang ang nagdaan, sinabi naman nyang pinaglaruan nya daw ako at dumating sa eksena si Ashley.

Ang galing no?? Isang araw, sinabi mong mahal mo sya then the next day sinabi nyang pinaglaruan ka lang daw nya. Great diba?? Bakit ba lagi na lang ganito ang ending ang love story ko? Ganito ba talaga dapat? Hindi ba talaga sila para sa akin o talagang mali lang ang napili ko??

Natigil ang pag-iisip ko ng may matandang nagsalita.

"Iha, pede bang makiupo dito??"

Nginitian ko yung matanda sabay sabing,

"Oho ok lang po. Hindi naman po ako ang may-ari ng lugar na to kaya malaya po ang kahit na sino na umupo dito."

"Salamat iha."

"Walang anuman po."

Kasama ni lola ang kanyang asawa. Matanda na sila pero nagmamahalan pa din sila. Nakakatuwa ano??

"Mahal, nauuhaw ka ga?" sabi nung matandang lalaki.

"Ay buti naman naitanong mo. Nauuhaw na ako. Bibili mo ba ako?" sagot naman ng matandang babae.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon