Chapter 30: Terrified

11.8K 126 9
                                    

ALEX'S POV


"Kya!! Ang ganda ganda naman dito, Alex!!" patalon talon pa na sabi ni Jane.

"Tama ka jan girl, ang ganda talaga ng taste mo!" sabi naman ni Clarissa.

Nasaan kami ngayon?? Nasa freshman night.

"Sana, ganito din kaganda yung freshman night natin dati." sabi naman ni Jane.

"Oo nga, Imagine, to think of a theme like this, Bravo!" sabi naman ni Clarissa.

"Well, ganyan talaga pag maganda ka, maganda din ang nagagawa mo, pag matalino ka, kahanga hanga ang ginagawa mo." sagot ko naman sa kanila.

Ano nga ba ang theme ng freshman night ngayon??

New York inspired lang naman.

City lights and everything.

Yung feeling na nasa New York ka talaga.

At kung nagtataka kayo kung bakit kasama ko yung dalawang ugok na ito dito ei Freshman Night naman, pede kasi sumama kahit Freshman.

And fortunately, ang daming sumama.

8 pm na ng salubungin ako ng dalawa sa labas ng hotel.

Kanila pa kasi sila dito, nagpa late lang talaga ako.

Sobrang pagod sa dami ng inasikaso ko kaninang umaga.

Pinapaltan ko pa kasi yung stage design dahil hindi ako na-satisfy.

Pinapaltan ko din ang kulay ng tela na gagamitin.

Tinikaman lahat ng ihahanda.

At tiningan lahat ng mangyayari sa program.

Sinadya ko rin magpalate para ma pressure si bakuls.

Since, pagod ako. Magpakapagod din sa ngayon gabi.

Hindi pedeng ako na lang palagi.

Kanina pa din syang tawag ng tawag sakin pero di ko naman sinasagot.

Ang sarap kaya nyang inisin.

Don't get me wrong here. Hindi kami bati.

Proffessionals kami kaya we still continue communications para sa responsibility namin bilang SC Officers.

Pumasok ako sa loob ng venue with eyes on me.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon