Chapter 33: Partners

13K 161 13
                                    

Alex's POV


"Ayoko na!!! Kanina pa akong naglalaro ng temple run, hanggang ngayon, hindi ko din nakukuha ang gusto kong high score!! Hanggang ngayon, 18 million pa din!! Nakakainis!!" sigaw ko habang naiinip sa bahay.

"Tsk. Tsk. Talo ka pa rin hanggang ngayon. anu ba?? Hindi ka pa rin nakaka 19 million?? Ang galing ko talaga. You can't beat me Alexandria.! Beh!!" sabay belat pa sakin ni Matt.

"Isang milyon lang naman ang lamang ng highest score mo sakin ah!!" sagot ko naman sa kanya.

"Yun na nga ei. Isag milyon na lang, hindi mo pa mahabol!!! Daig kita!!." sabay may mapang-inis na muka pa.

"Matatalo din kita one day. Mark my words Matt!! Makikita mo."

"I will be patiently waiting my dear sister!"

"Hmp.!"


Sabado ngayon and Im so bored! Walang magawa. Tambay sa bahay. Sina Clarissa, KC at Jane, hindi man lang natawag sakin. Baka nagsasaya na ang mga yun, hindi man lang ako isinama.! Si Matt, walang ibang ginawa kundi inisin ako. Anu ba???!!!!

Anu nga ba ang gagawin?? Isip. isip. Isip.

Teka, may gagawin nga pala ako!! Lagot. Yung sociology!! Hala!!

"Ten ten ten" Ok. Someone's calling.

Si Kevin lang pala. Hindi ko dapat sasagutin, kaya lang naalala ko na partners nga pala kami sa Socio =.=

"Hello." walang gana kong sagot.

"Nasaan ka?? Kanina pa akong naghihintay dito." sigaw ni Kevin sakin.

"Eh bakit ka ba naghihintay?? May usapan ba tayo??" matapang ko naman sagot sa kanya.

"Shet Alex. Nakalimutan mo?? Sabado ngayon!! Gagawin natin yung project sa Socio, REMEMBER??"

"Shet din. Oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko ei. Mag-aayos lang ako.Wait, nasan ka ba??"

"Wag ka ng mag-ayos, maganda ka na. Nasa labas ako ng bahay nyo."

"Anung sabi mo?"

"Sabi ko, bilisan mo. Ngalay na ako dito sa labas."

"Mangalay ka jan. Hmp." at binabaan ko sya ng cellphone.

Sabi ko na nga ba, may nakalimutan ako =.=

Don't get it wrong guy's hindi kami bati.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon