Chapter K: The Mistress

9.8K 95 11
                                    

Clarissa on the side :))

Kevin's POV

Ayoko pa sanang umuwi kaya lang marami na akong naiwang trabaho. Isa pa..baka magtaka sila kung saan ako nagpunta. Unplanned ang byahe namin ni Alex. Hindi ko naman talaga sinadya yun. Narinig ko lang na binati nung secretary ni Alex si Alex ng Happy birthday tapos naalala kong birthday nga pala ni Alex kaya ayun..tinakas ko sya.

Pumasok ako sa loob ng bahay pagkatapos kong igarahe ang sasakyan sa labas. Pagod kong binuksan ang pintuan. Dumeretso agad ako sa kwarto. Bakit parang walang tao?? Pagbukas ko ng pintuan..nandun si Ashley na nagsusuklay ng buhok nya. Pupunta na ata sa trabaho nya.

Habang nakaharap sa salamin nya ay masama nya akong tiningnan. Tiningnan ko din sya at nginitian. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa cheeks.

"San ka galing?" cold blooded nyang tanong. Naghihinala na ba sya? I did not expect this too soon.

"Nagkaroon ako ng biglaang meeting sa isang investor." palusot ko.

"Ang tagal naman ata ng meeting na yun at umabot ng 3 araw at 2 gabi?"

"Tiningnan kasi namin yung possible na lugar na pedeng pagtayuan ng business na itatayo namin." tumayo sya sa pagkakaupo at humarap sakin.

"Sa susunod..magpapaalam ka. Hindi yung muka kaming tanga kakahintay kung dadating ka pa ba." inayos nya yung colar ng damit ko. Nagpalit ako ng damit bago pumasok sa bahay. Mahirap na. Amoy pabango ako ni Alex.

Hinila nya ako para tingnan yung leeg ko. Pagkatapos nun tinulak nya ako at sinigawan ako. Binato ako ng pabango kaya nabasag yun.

"Ano yan ha?" sigaw nya. Ano ba yung tinatanong nya? Lumapit ako sa salamin at tiningnan yun. Sh*t. Hindi ko to napansin ah. Niloloko ko pa man din si Alex dahil may ganito sya tapos..ako din pala meron.

When Mr. Heart Breaker Meets the Brokenhearted  Girl (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon