"Sino?"

"The lucky girl you're going to marry." sabi nito at agad na pumasok.

Hindi nga pala niya alam na si Jaehee na nakilala niya noong first day ng school ay ang Jaehee na papakasalan ko.

Bago ko pa man siya mapigilan, nakapasok na siya sa bahay.

"H-hi..." bati ni Jaehee habang nagmamadaling binuhat ang mga damit at umakyat papuntang kwarto.

Sinundan ng tingin ni Krystal si Jaehee saka humarap sa akin. "S-siya?"

Nag-nod ako.

"Yung tomboy na yun?! WHY oppa?!"

"Ssssh. Ang ingay mo, baka marinig ka niya."

"So what? I don't care kung marinig niya ako. She doesn't deserve you. Ang kapal ng mukha niya. Ayaw niyang magpakasal sa iyo?!" Nakwento ko na rin kasi sa kanya yung tungkol sa mission ko and everything, pati na rin sa pagiging hard ni Jaehee sa akin. Krystal is a very good friend, pari na rin sina Luna, Amber and Victoria. They were like my ate's and younger sisters.

"No..." Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano sasabihin.

"Noon palang, hindi ka na niya deserve!"

Hindi ako nakasagot. Napayuko nalang ako.

"Why don't you marry me instead, Taejoon?"

A-ano daw? O_O

***

Nakabihis na ako ngayon, ready to go na sa kasal nila Eungyeol, pero si Jaehee, hindi pa rin lumalabas ng kwarto. Tahimik lang siya, pati nung kumain kami ng lunch. Hindi kaya narinig niya yung pinagsasabi ni Krystal? Ugh. For sure, narinig niya lahat yun. Krystal kasi eh, walang preno ang bibig. Mainit na nga ang ulo niya dahil sa mga damit na padala ng Mommy niya, nadagdagan pa ni Krystal.

Dahil naiinip na ako, at baka ma-late kami, umakyat na ako sa kwarto. Kakatok na sana ako ng bumukas ang pinto at iniluwan nito ang isang napaka-gandang babae. Suot niya yung yellow dress na hawak ko kanina. Dahil doon, napangiti ako.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala sa kanya doon.

"H-hindi pa ba tayo aalis?" Nakayukong sabi niya, may halong pagka-inis na inip ang boses niya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Wag mo nga akong hawakan!" Pero hinawakan ko pa rin siya saka ko hinawakan ang baba niya at iniangat ang mukha niya para magtama ang aming mga mata. Kitang-kita ang galit sa mata niya. Bakit?

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now