C29: Lifesaver.

Magsimula sa umpisa
                                    

 

"Kung sasabihin kong totoo, lalayuan mo na ba si Hanako?" Isa pang tanong niya. Naramdaman ko ang matinding inis dahil sa mga sinasabi ni Sir ngunit bumuntong hininga ako upang maiwasan ang pagsabog ng inis ko. Kailangan kong kumalma.

 

"Bukas o makalawa, makakarating na ang video sa mga nakakataas. Siguro ngayon, kumakalat palang ito sa pagitan ng mga estudyante pero hindi ito magiging ganun na lang. Alam mo naman ang magiging kapalit diba?" pagbabanta ko pa sa kanya.

 

Dati pa ko naiinis sa kanya. Kung paano siya mangielam sa amin ni Hanako, sa relasyon namin na wala naman siyang dapat pakialaman. Tapos ngayon, sisirain lang niya si Hanako nang ganun lang? Parang wala lang sa kanya. Oo nga, may mga masama pa ring nasasabi sa kanya ang ibang estudyante ngunit mas matindi ang sinasabi ng lahat ng Hanako.Kung dati ay ang klase lang niya ang nambubully sa kanya, ngayon, buong school na.

 

Hindi ko na kayang makita siya na umiiyak sa kada pag-uwi niya. Hindi ko na kayang nakikita ang uniporme niya na puro dumi dahil sa mga sinusulat na masasamang salita ng mga nasa paligid niya. Hindi ko na kayang nakikita siya na araw-araw na lang pinagtitripan sa canteen nila Sapphire.

 

Ayokong nahihirapan si Hanako.

 

"Mahal mo siya diba? Kahit na may ganun kang nakita na video, mahal mo pa rin siya?" tumango ako sa kanya. Mahal ko si Hanako. Hindi ko alam kung bakit o papano nangyari basta, mahal ko siya. "Sige Blake, patunayan mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ko naman papatunayan? "Ipagtanggol mo siya sa harap ng lahat ng estudyante, sa lahat ng gumagalang sayo. Sabihin mo na mahal mo siya." napaibaba ang tingin ko. "Kapag nagawa mo iyon, sige, lilinawin ko ang lahat ng dapat linawin. Tutal, hindi naman totoo diba?" isang ngisi ang pumorma sa labi niya.

 

Naglakad siya palayo ngunit ilang sandali ay tumigil siya at nagwika, mga salita na hindi ko lubos maisip na manggagaling sa kanya.

 

"By the way Blake, ang galing humalik ng girlfriend mo."


Bumalik ako sa realidad at agad agad na sinagot ang tanong ni nurse Tin.


"Hindi at wala akong balak na kausapin siya." Hindi ko na hinintay ang tugon niya at tumayo na ako. "Mawalang galang na nurse Tin, madami pa kong gagawin. Pwede bang, umalis ka na?" nakangiti siyang tumango at nagpaalam.


Nakatulala ako habang naglalakad. Saan pa ba ako pupunta? Siyempre, kay Hanako. Dumiretso ako nang lakad at lumiko sa bandang kanan dito sa kusina, isang pinto palabas ng bahay. Dere-deretso ako hanggang sa mapunta ako sa pinakadulo ng likod bahay namin kung saan isang bakanteng lote na puro damo lang ang nandito. Umupo ako sa may damuhan at tumingin sa ibaba, isang malaking hukay. Bumaba ako rito at tinanggal ang malaking tarapal na nakapatong....


...sa malamig at nangangamoy na bangkay ni Hanako.

 


AUSTIN'S POV

 

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon