Epilogue

19.1K 338 83
                                    

[FELICITY'S POV]

Nakapanood nalang ako kay Dianne and Dave habang papunta sila sa kabilang portion ng gigantic bathroom ng kidnap-room ni Dianne. Narinig ko na yung sliding door na bumukas at sumara kaya malamang magsshower sila at matagal pa sila dun.

Nakaka-stress talaga yang dalawang yan. Away bati baka makulot ang kaka-rebond ko lang na hair sa kanila. Umayos ako ng pwesto sa bubblebath kung saan nakapwesto kanina si Dianne. Infairness to her ha? Classy ang taste niya sa scents. Kahit kasi yung candles and special oils ka-match ng amoy ng bubble bath. Nice, this is really relaxing.

"What! You bought an island?!" Nadistract ako sa lakas ng boses ni Dianne galing sa shower area.

"Baby it's just money, it doesn't matter, and besides, gift ko naman sayo 'to eh"

"So this is why we almost broke up and ended our marriage noon? Bat hindi mo sinabi? Hindi ba pwedeng-----"

Ay sows! Mahaba habang issues to be discussed and peg nila. Buti pang maka layas na para hindi ako naiingit sa landian nung dalawang yun. Wala na naman akong problema dahil alam kong ok na sila after nilang maligo. Ang sarap nilang pag-untugin. Kanina war of the worlds ang peg nilang dalawa ngayon naman kung makapag-kulong sa shower area wagas.

I went out na nakarobe dahil basa yung mga suot ko kanina nung pinasok ko si Dianne habang naliligo hahaha. Wala namang ibang tao sa isla kaya ok lang hahaha naman! Diba! Dahil rich si bossing kami lang at ilang staff niya ang nasa isla. Meron din namang guests pero hindi sila dito sa Mansion doon sila sa villa para sa guests.

Titingnan ko muna yung pasyente kong si baby Avie. Magatal din kasi siyang tulog dahil heavily sedated si baby habang nagrereconstruct ako ng custom made niyang bagong bones. At nagpapahinga pa si baby para gumaling na siya, adobong dinuguan na baby kasi ang peg ni Avie noong inaayos ko pa yung bones niya.

Yup reconstruct talaga! Dahil nga rich si boss Dave at walang pag-asang magheal yung mga bones ni baby na nadurog dahil sa accident, pinalitan ko ng genetically modified and laboratory developed bones yung ibang bones ni baby.

It took months dahil nga kailangan pang mag-adjust ng body ni Avie sa mga bagong set ng bones na ikinabit ko to replace the broken ones at siyempre para magheal yung mga sugat niya at makapag-regenerate yung cells niya.

Unlike her cloned mommy, may human half si baby Avie at mas maganda ang response ni baby sa mga procedures.

Doon ako bilib kay baby.

Fighter talaga si baby. Hinang hina si baby when I signed her papers for transfer sa morgue. Kung titingnan nga she's as good as dead noong time na yon. Kahit sinong doctor alam nang wala nang pag-asa si baby na mabuhay dahil nga sa malubhang kondisyon niya when she got to the hospital.

We had to freeze baby Avie, kung hindi kasi Avie will die. She's losing so much blood. At ibig sabihin nun maikli nalang ang panahon ko to keep her alive. Doon na pumasok ang cryonics. Risky yung move pero Avie has to stay with us habang dinadala namin siya sa Davao where my secret and advanced facility is kept. Secret secret din pag may time. Hindi lang kasi illegal kung hindi ayaw din ni boss Dave na pinaglalaruan ko ang mga nilalang. Pero it came in handy naman dahil alam kong maililigtas ko si baby.

Naman! Dahil magaling ako, eto nga at buhay si baby. Kaya lang onting intay pang magising siya.

Magigising si baby. Malakas ang tiwala kong kaya ni baby na lumaban at mabuhay pa ng matagal.

Alam kong born winner si Avie. Ang lakas ng kapit ng batang yan. Talagang gusto niyang mabuhay.

Honestly nagugulat din ako sa mga nadidiscover namin kay baby, ang lakas kasi ng utak niya. Hindi namin ini-expect na kaya agad ni baby mag talk when she turned one. Tapos buo nang sentences ang pananalita ni baby when she turned two. And she can think, feel and respond to emotions when she turned three.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now