36: Angels Brought Me Here

15K 178 38
                                    

[DAVE'S POV]

Napangiti ako sa reaction ni Dianne. Shocked na shocked kasi siya. Ang sarap tuloy lalong sumandal sa sofa. Iniintay ko nalang kasi yung sagot ni Dianne. This time she can't say 'no'.

Pinag-isipan ko kasing mabuti itong gagawin kong 'to. I know Avie really wants to go to a regular school. At alam kong gusto yun ni Dianne para kay Avie.

Ako kasi ayaw ko. Avie's too special para sa regular school. For sure magiging mahirap kay Avie. Hindi siya katulad ng ibang bata.

Natigilan si Dianne at parang nagi-isip. I know she doesn't have any other options. Wala siyang laban kahit magka-demandahan pa kami dahil legitimate ang lahat ng papers ni Avie. Lahat naka-pangalan sa clone niya. At nagconsult din ako sa lawyer, hindi si Dianne ang nagluwal kay Avie kaya wala siyang laban sa korte ng Pilipinas.

Talo lang siguro ako sa DNA test pero hindi pa naman pwedeng i-recognize yun as evidence. Wala pa naman sa saklaw ng batas yun.

Wala na siyang choice kung hindi ang magpakasal sakin kung gusto niya ng legal rights kay Avie.

I looked at her. Nagiisip parin si Dianne.

"Dave pwede bang pahingi muna ng time para pagi-isipan muna?" What?! NO! I cornered her! There's no other way out! Magtatawag na ba ako ng magaling na lawyer?

I held my phone tight just to be sure. Para makatawag ako agad just in case, dapat mauuna ako lagi sa pag kilos ni Dianne.

I know she's extremely smart. Pero kahit gaano naman siya katalino basta wala nang paraan, wala narin siyang magagawa.

"Bakit? Dianne, ayun nalang yung gagawin mo, and all these issues will all go away" sabi ko.

"Dave I want to be sure" sabi ni Dianne.

"Baby, what else do you have to consider?" Nafu-frustrate ako. I locked her down pero talagang ayaw niyang pahuli.

Tutukan ko na kaya ng baril para wala na siyang kawala? Hindi na siya makakapalag nun.

Kaso hindi pwede. Baka makita ni Avie na may baril na nakatutok sa mommy niya habang kinakasal kami.

"Uhm.. basta, pagiisipan ko muna" Tumayo siya at wala na akong nagawa nung umalis na siya ng office ko.

Sh!t! Ano pa bang larong gusto niya??

Binato ko yung pillow na hawak ko.

Takte naman!

Jeez! Ang hirap namang hulihin ni Dianne!

What else does she have to consider?

Nakakagalit naman.

Pagod ako dahil sa dami ng ginawa ko at sa pag-aayos ng legal documents para talagang walang choice si Dianne kung hindi pakasalan ako.

Hindi ko kasi pwedeng i-underestimate si Dianne sa ganun. She's smart kaya no wonder she can find her way out.

Hindi narin ako magdidinner, sabi ko nalang sa maid na inutusan nila na sabihing pagod ako at wag akong istorbohin.

I stood up and went upstairs, wala ako sa mood na makausap muna si Dianne. Alam kong dala dala niya si Deedee kaya hindi siya pwedeng ma-stress pero papano naman yung situation namin? Ayaw kong ipanganak si Deedee na hindi dala ang apilyedo ko.

I was brushing my teeth when she went into the bathroom. Nagshower siya.

Masama talaga ang loob ko. Lumabas ako at saka ako humiga sa kama namin. Manonood muna ako ng tv para makapagrelax. Mahirap ding matulog kapag sobra kang pagod.

My Genetically Modified LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon