49: Back To Square One

11.6K 123 5
                                    

[DIANNE'S POV]

Napalingon ako sa door when it opened. "Baby! How was school?" Dumating na pala si Avie.

"It's ok" Sinulat ni Avie sa Ipad niya.

"Baby, sorry na? Bati na tayo please? Mag-talk ka na ulit please?" I asked her. Baka kasi maidadaan sa pakiusap. I hugged Avie. Hindi na kasi siya sumagot.

"Baby misses Derek" Nakita ko sa Ipad ni Avie.

"Baby, nasa big house si Derek eh Hindi rin naman si Derek pwede dito kasi walang space yung cage niya tapos magagalit din yung neighbors" kasama kasi sa homeowner's rules na bawal ang pets na maingay.

"Daddy says =( Derek" sa Ipad.

"Baby I'm sure Derek misses you, kaya lang kasi baby hindi na tayo pwedeng bumalk don" After what happened, ayaw ko na talaga dun.

"Still love daddy?" she stared at me.

"Baby oo naman, hindi naman nawawala yun" sabi ko kay Avie. I kissed her forehead.

"Y Hiwalay?" nasa Ipad ni Avie.

"Kasi baby may reasons na baby ka pa para maintindihan" I hugged her.

Avie gave me a box. "Baby what's this?" Alam kong bracelet yun dahil sa box.

"From daddy, bati na po?" sa Ipad. She erased the current message. "Daddy's sorry"

"Baby I know, saka ok naman kami ni daddy ah?" sabi ko.

"Mommy <3 daddy na?" Sa Ipad ni Avie

"Well not exactly baby" sabi ko.

"What u want daddy 2 do?" sa Ipad.

"Baby, kapag big ka na, maiintindihan mo din" paliwanag ko sa kanya.

"Derek->Dog pound" sa Ipad ni Avie. Ha?

"Daddy's gonna bring Derek sa dog pound? Bakit daw?" What the hell! Bakit naman idadamay niya yung aso? Alam naman niya kung gaano ka-importante si Derek kay Avie.

"Noisy, baby not there to watch" sa Ipad.

"Sige baby kakausapin ko si daddy about that--" Avie pulled my arm.

"No, baby want go back big house" She erased and wrote again. "For Derek"

Hmmm... Mejo mahirap yung gusto ni Avie. Naka-ilang layas at balik nako sa bahay na yon. I think I finally had enough.

"Please mommy?" Nakalagay sa Ipad. She stared at me.

Napalingon ako sa pinto. Dave's knocking. "Beh, magpapa-install ako ng centralized system ng AC sa bahay mo, pwede bang sumama muna kayo nila Avie sa bahay? Hindi kasi pwedeng nandito yung mga bata habang may construction" Wow ha? Makapag-decide akala mo bahay niya.

Boom! Ayan, pinagtutulungan ba ako nitong mag-ama? Pero ang alam ko naman hindi sila bati.

Yumakap sakin si Avie. It her way of begging. Haaay... "Baby pagiispan muna ni mommy, ok ba yun?" Hindi na nareact si Avie. Binaba ko siya sa bed and asked her to watch Jayjay. Nasa crib naman si Jayjay kaya hindi kailangan ni Avie na mag-bantay ng todo. Kakausapin ko lang si Dave.

"Anong ipapagawa mo sa bahay ko?" Lumabas ako ng room and asked him.

"Ipapa-centralize ko yung airconditioning para hindi lang nasa kwarto si Avie. I just need you guys to move saglit sa bahay para hindi kayo affected ng costruction" sabi ni Dave.

"Dave I--" I can't afford that.. well not anymore.. I'm not exactly broke pero malawak ang buong bahay ko at malakas sa kuryente yon, mauubos lahat ng savings ko kapag nagkataon. Marami na akong dapat i-prioritize at i-consider bako ako maglabas ng pera.

"Beh ako naman yung bahala sa gastos, kahit sa billing." Buti nalang nauna siyang magoffer hahaha Pero kahit na, kalokohan yon, magsasayang lang siya ng pera.

"Dave, hindi pwede, ayaw ko, impractical decision yon, and besides, magiging major re-construction yun sa bahay na 'to" magiging matagal yung construction dahil nga marami silang ikakabit na wiring at air ducts.

"Beh sumama nalang kayo sa bahay please? Mas kampante ako pag ganun, makakapasok ka na sa office mo ulit, regular yung school service ni Avie and Jayjay can stay sa room niya. Please?" Napalingon kami pareho when Avie opened the door. Nakalabas parin yung "Please mommy?" sa Ipad niya.

Avie stared at me. Iniintay niya yung sagot ko. Ganyan din noong gusto niyang sumama ako sa bahay nila noon for the first time. At ngayon sabay na sila ni Dave na nang-iipit sakin.

"Sige, pero wag mo nang ituloy yung balak mo?" I asked Dave. Sayang lang kasi talaga yung effort, magastos lang.

"Masusunod po, so pano may kailangan pa ba kayo? Babalik ako bukas ng morning para ihatid ka baby sa school ah?" He looked at Avie and Avie nodded. "Tapos Beh we'll move all your stuff when I get back" tumalikod na siya bago pa ako makapag-react.

Before I could even react, eto nanaman kami, babalik nanaman sa bahay ni Dave.

My Genetically Modified Loveजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें