Mommy's Day

11.2K 133 4
                                    

Twists and Wrong Turns

[DIANNE'S POV]

"Beh don't get too excited" Sinenyasan ko si Margarette to go and leave us. I have to deal with Dave bago pa man siya mag-announce ng kung ano mang false alarm.

"Bakit baby? Diba positive na yung result?" He asked. "May nararamdaman ka na bang symptoms? May masakit ba sayo? Nahihilo ka? May gusto ka bang kainin? Sabihin mo agad sakin beh" Excited at sunod sunod na tanong sakin ni Dave.

"Beh sandali lang, please?" I pulled Dave papasok ng room namin. Mahirap nang may makarinig lalo pa't nasa room lang ni Avie yung parents ko.

"Is something wrong? May problema ba sa pregnancy mo?" Yeah! Merong malaking problema kasi I'm not pregnant!!! Nawala siguro sa isip ni Dave na I'm taking pills.

"Beh kasi ganito yon, ahm pwede bang secret muna?" I took a deep breath alam na ni Dave at hindi rin naman pwedeng kumalat pa dahil mas safe kapag kami nalang ni Margarette yung nakakaalam.

"Bakit naman beh? Hindi ka ba happy about the baby?" He seemed worried. "Beh alam kong wala sa plano yung baby pero andito naman ako to make things better at promise doble effort ako para hindi ka mahirapan sa pregnancy" He hugged me. Naks naman! Na-touch naman ako, kaya lang hindi naman kasi ako yung buntis. Hahahaha

Hay sasabihin ko na nga! "Beh I'm happy sa baby kaya lang kasi I'm no---" I wasn't able to finish dahil he kissed me agad.

"Dianne I love you, kung natatakot ka about the new baby, I'm here to help you, wala ka nang dapat na alalahanin, aalagaan ko kayo ng baby. If you don't want the attention about the baby, sige we'll keep it a secret, pero dapat palagi kang nasa tabi ko para I can make sure safe kayo ng baby" Awwww willing na akong mabuntis ulit hahahahahaha joke!!

"Pero nga kasi---" he kissed me again.

"Tama na ha? Bawal kang ma-stress" Inakbayan niya ako then he guided me papunta sa baba para magdinner.

Masayang masaya na kami dahil Avie talks na ulit. Nagulat pa nga si Dave pero I just asked him not make a huge deal out of it dahil baka ma-bisto ng parents ko ung ano yung totoong nangyari kay Avie. I called the child psych and siguro na-cure yung selective mutism ni Avie dahil sa nakita niyang ok na kami with her mamu and lolo daddy. Dahil nga siyempre Avie saw my mom hit me at sinampal din si Dave, traumatic naman talaga for a 6 year old na nakakaintindi na ng halos lahat ng mga bagay bagay. Ok na naman halos ang lahat. Yun nga lang may tension parin talaga between sa dad ko at kay Dave.

Avie gave us the details about her performance sa auditorium. Onting briefing lang naman yung binigay ni Avie and she reminded us na bawal ang distractions dahil live yung performance.

Hay dugong-perfectionist talaga ang baby ko. Mana sa mommy hahahaha

We went to bed early dahil maaga palang dapat prepared na para sa performance ni Avie. Hindi na ako kinulit ni Dave tungkol sa pregnancy pero todo bantay naman siya sakin. He's even watching habang pinapatulog ko si Avie.

"Good night baby, I love you" I kissed Avie then kinumutan ko siya at saka ako sumama kay Dave maglakad papunta sa room namin.

"Beh nagsabi sakin si Avie about a campting trip kasama yung mga members ng orchestra, anong verdict natin? Kung ako ang tatanuning payag ako kung may kasama siyang yaya at isang bodyguard" He asked me habang inaalalayan akong humiga sa bed. Ha?? Grabe naman.

"Beh kung ako naman si Avie mahihiya naman ako sa ganun, payagan na natin, I trust Avie at alam ko namang kaya niya" inayos ko yung pillow ko ang humiga sa tabi ni Dave.

"Beh Avie's gonna be out in the woods all by herself, papano kung--" I cut him off.

"Beh isn't that the whole point of camping? Para mawala sa comforts ng technology and try to use your God-given wits and skills? Marami si Avie nun and bigyan mo lang naman siya ng manual or survival app to read para kang nag-install ng program sa utak ni Avie na ready to use agad" Well Avie's sort of a freakin genius at natatakot na nga ako dahil para nang robotic si Avie minsan, with the minor exception that she gets tired and hungry almost every 5-6 hours of continous work and she's grumpy when she had a really bad day..

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now