48: Project: Daddy's Back 2

12.5K 165 17
                                    

[DAVE'S POV]

Natulog lang ako at nag-empake ng gamit ko. Doon muna ako kina Dianne, welcome man ako o hindi. Willing naman akong sa sasakyan nalang matulog kung hindi man pwede sa bahay ni Dianne.

6 am palang pero buhay na yung ilaw sa bahay, ihahatid niya siguro si Avie sa school.

And I was right. Lumabas si Dianne dala yung bag ni Avie. I went out of the car.

"Dianne ako na" I took Avie's bag from her. "Ako nalang maghahatid kay Avie"

"Baby halika na, si daddy maghahatid sayo" Ayaw magpahawak ni Avie sakin, si Dianne lang yung hinahayaan niya.

I opened the car's door para sumakay si Avie tapos nilagay ko yung bag niya sa backseat. I drove her to her school. Hinatid ko pa si Avie hanggang sa classroom. I didn't stay long to chat with her teacher baka kasi kailangan ako ni Dianne sa bahay.

Nag-aayos ng halaman si Dianne when I got there. "May kailangan pa bang gawin? Gusto ko sanang tumulong" I asked her.

"Wala na naman, diba may pasok ka?" she asked me.

"Hindi muna ako papasok, ikaw ba?" I asked her.

"Kung papasok ako edi walang nag-bantay kay Jayjay" sabi niya

"I mean, pano yung work mo" I asked her again. Alam ko kasi kung gaano ka-importante sa kanya yung work niya.

"Nag-leave muna ako habang nag-aadjust pa yung mga bata, hindi ko kasi basta maiwan sa yaya si Jayjay lalo pa kasi maiiwan sila dito sa bahay" sabi ni Dianne. And all those times nag-seself pity lang ako sa opisina.

"Dianne, hindi ba pwedeng bumalik nalang kayo sa bahay?" natawa siya bigla.

"And what? Become props again? Hindi nalang, kaya ko naman yung dalawang bata" sabi niya.

"Dianne hindi naman kayo props eh, mas ma-aalagaan kayo dun" sabi ko.

"Maaalagaan ng mga taong binabayaran mo, right? Anong pinagkaiba nun sa props? Dati I was like a doll you bought Avie for Christmas, and tama ka nga, kasi I was just put on display along with Avie and Jayjay sa life-sized mong doll house" sabi niya.

"Dianne, God knows how sorry I am na ganun ang naramdaman niyo nila Jayjay, but please let me make up fo it, pwede bang hayaan mo akong bumawi?" I begged her. "Dianne please?" I knelt down in front of her.

"Hoy Dave ano ba? Tumayo ka nga jan?" she tried pulling me up.

"Dianne pumayag ka muna" She looked around, naeeskandalo siya dahil nasa labas kami ng gate nila.

"Ang sweet naman ng asawa ni Doc ganda, may paluhod luhod pa"

"Yan ba yon? Ang pogi ah"

"Dave, tumayo ka jan! Pag-chichismisan ako, isa!" saway niya sakin.

"Dalawa, tatlo, apat, sampu, eleven, twelve, Dianne please?" Wala akong pakialam kahit mapunit pa yung slacks ko kakaluhod sa harap niya.

"Sige na! Just get up!" Napa ngiti na ako at saka tumayo.

"Halika na beh, dumadami lalo yung fans mo" Fans ng love team natin. hahahaha Dumadami kasi yung nanonood habang nakaluhod ako sa harap niya sa labas ng gate nila. I guided her papasok ng bahay.

Galit si Dianne dahil sa ginawa ko. Pinaka-ayaw niya kasi ang na-eeskandalo kahit agaw pansin pa siya. She likes the attention pero she never wanted the publicity.

"Beh" I hugged her nung makapasok na kami sa bahay. "Beh wag ka nang magwalk out hahabulin lang ulit kita, mapapagod ka lang" Hinigpitan ko lang lalo nung pinipilit niyang kumawala.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now