Paakyat siya ng may makasalubong na madre (Karaniwan para sa All Girls School, even our Religion Teacher in GMRC is a nun) Nagtaka si tita dahil kakaiba ung suot na belo nung madre. It was the traditional veil na may extra layers pataas sa ulo ng madre na nakapatong sa veil. Coif ang tawag dito. Nang makita sya nito nagtaka sya when the nun speaks in spanish. She kept on saying: No no no no! (In spanish accent) na para bang hindi sya pwedeng umakyat o pumasok sa parteng iyon. Tapos it was pointing its finger sa isang hallway at may sinasabi pa na hindi na nya maintindihan pero alam nyang in spanish yun. She found it bizaare pero dumiretso sya sa hallway na itinuturo nito at habang pumapasok sya sa hallway ay nakikita nya ang mga malalaking kwadro na larawan ng mga sinaunang founder at mga madre na namahala noon sa paaralan. Hanggang sa matapat sya sa malaking pinto na may pangalang Music Room. Napagtanto nya na nasa dead end na sya ng hallway at mali ang hallway na yun dahil wala doon ang school supplies. Tatalikod na sya palabas sa hallway ng tumama ang mga mata nya sa malaking bintana sa music room. Doon ay may isa pang malaking kwadro. Nagtayuan ang mga balahibo ni tita ng mabasa ang nakasulat sa ilalim ng litrato. Pangalan iyon ng nasa kwadro. Sa ilalim nuon ay ang taon ng simula at pagtatapos ng paninilbihan nito sa institusyon. Hindi sya maaaring magkamali ng pagbasa. 1875-1910 iyon. Ang taong nasa larawan ay walang iba kundi ang madre na nakasalubong nya sa hagdanan.

♥Sana nagustuhan nyo ang story ni Zara. Next update ay ating matutunghayan ang istorya ni Rosalyn...

Hope you'd like my update (*^﹏^*)

Let the story of Rosalyn begin•﹏•

Third year highschool na ako nung magtransfer ako dito sa All Girls school. Masaya ako dahil kahit baguhan, may barkada na kaagad ako. Maraming nagsasabing kamukha ko daw si Angelu de leon...hihihi... Ang saya talaga ng highschool life. Yung mga tropa ko palaging good vibes. Kabarkada kasi namin yung Class president. Dapat maayos lahat. Lagi kaming sabay sabay papunta sa Library during library time, Sa AVR room pag may film viewing, naghihintayan pa sa CR para sabay sabay mag pulbos ng mukha lalo na kapag may school program sa Auditorium at higit sa lahat, sabay sabay kaming naglulunch ^•^ Share share ng baon o kaya bibili ng mga food sa canteen. Maluwang at Malinis na canteen. May stall ng french fries, burgers and pizza, tapsilog, buko at gulaman, at syempre ung mga ulam at dessert na binebenta mismo sa canteen tulad ng leche flan, cakes, buko pandan and my favorite macaroni salad :) Ang saya-saya!!! Favorite subject ko talaga. Hahaha!

Little did I know that in just one snap, I'd loose my appetite in going to canteen for lunch...

The Doorway

I'll describe the place in a manner na madaling mapicture ng mind ng silent readers ko *•▁^*wink

Remember, Yung canteen sa story ni Zara ay nasa two storey building sa left side ng quadrangle.

Sa building na iyon nakabungad ang faculty room.

Mayroong hallway na dadaanan para makapasok ka sa building. Along the hallway are 4 to 5 classrooms ng Grade 6.

I forgot to tell that Grade 6 classrooms are separated from the Elementary building (pass the Guard's house)

sa pinakadulo ng hallway, nasa right ang canteen at nasa left naman ang hagdanan paakyat sa 2nd floor (nasa 2nd flr ang 3rd & 4th year highschool classrooms)

Bago ka makapunta ng hagdanan may papasukan kang isang malaking pinto na may Comfort Room sa dulo

The comfort room has three cubicles with a wide mirror. Yung mismong pintuan ng CR ay permanenteng nakabukas kaya papasok ka na lang sa cubicles when there is a call of nature. Isang ordinaryong tanghali iyon, as usual hindi ako nagbaon dahil lagi akong may food allowance from my parents. Iba pag bunso e. Anyway, hanggang ngayon hindi ko nakakalimutan ang inorder ko nung araw na yun. Tocilog at extra fried rice kina Ate.

All Girls Schoolजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें