Doppelganger blues

106K 827 382
                                    

All Girls School.

Isang institusyon na itinayo mula ng sakupin ng mga kastila ang Pilipinas...

Maraming mga binibini noong unang panahon ang nagnanais makapasok dito dahil sa reputasyon nito...

Isang gusali na ipinatayo ng isang kilala at mayamang kastilang babae na nagnanais makatulong bigyan ng edukasyon ang mga walang alam...

Naging pundasyon ito ng mga babaeng gustong lumaban sa hirap ng buhay...

Samahan ninyo akong tunghayan ang aming mga naging karanasan sa loob ng tinaguriang...

.

.

.

All Girls School

.

.

.

Simulan natin sa kwento ni...

Zara

Kamusta ka? Ako si Zara. Lahi kami ng may mga third eye... Tita ko, Kuya ko, Papa ko, lalong lalo na Ako. -_-May white lady kami sa bahay namin sa Mandaluyong. We named her "Anna". Nung minsang matulog si tita sa bahay nakaamoy siya ng bulaklak na matapang yung amoy pero dahil malapit yung kwartong tinutulugan nya sa may altar akala nya baka scented candle lang kaya nagtaka siya nang pagsilip nya e wala man lang nakalagay at nakasinding kandila pero halos mapasigaw siya ng pagharap ng mukha nya sa kanyang kaliwa e malabong mukha ng isang babaeng umiiyak yung nakatutok sa mukha nya. Si kuya naman, isang gabi na nasira ung tubo ng tubig sa loob ng bahay e inutusan ni mama na mag-igib ng tubig dun sa banyong nakahiwalay at nasa likuran ng bahay, may narinig siyang sumisitsit sa loob ng banyo, hindi nya pinansin nung una baka nagkikiskisang dahon ng puno ng buko lang pero nung lumakas na yung sitsit e napatakbo siya palabas nung mapatingin sya sa itaas na bahagi nung banyo at makita ang isang nakalutang na lalaking naka-indian sit sa dulo ng kisame na nakakurba at nakatungo ang ulo sa mga tuhod at braso. Nung una natatakot pa kaming mag-anak pero nung tumagal nasanay na kami. No choice e. May pagkaharmless naman sila at isa pa lumang bahay na talaga yun nila lola na ipinamana kina mama. Kaysa naman mangupahan pa kaming mag-anak e mas praktical pa rin na may sariling lupa't bahay within metro manila. Accessible sa lahat. (Sa lahat-lahat, if you know what I mean... hihihi)

Anyway, enough na with our family escapades bka naiinip na kayo sa true part ng horror story na nangyari sa school ko.

Since Grade 5 ako e naenroll na nga ako sa All Girls school na two rides away lang from our house. Si tita ung tumulong sa akin sa enrollment dahil may work nung time na yun si mama at papa. Yung school ko e malaki talaga. Pagkalampas mo sa guard's house e nasa kanan mo ung Building ng Elementary. Sa kaliwa ung Gym then the Auditorium beside it. Maglalakad ka pa ng almost 120 seconds para makarating ka sa maluwang at malaking Quadrangle where the flag ceremony is being held. (depends if it's raining)

Sa left side ng Quadrangle is the two storey building where the main canteen, faculty room and high school classrooms are located. Sa Right side is the two storey building where our Library, Guidance councilor's office and Chapel is located.

Only few knew that behind the clean and spacious Quadrangle, there are hideous and the most creepiest secrets that can't be kept from being revealed...

The Old Music Room

Nung si tita ay papunta sa School supplies shop sa school para bumili ng mga books ko, nagkamali sya ng hagdanang dinaanan. Madilim kasi sa bandang yun dahil walang mga bintana na masisinagan ng araw at puro hallway na nakakalito kung hindi ka pamilyar sa school namin.

All Girls SchoolWhere stories live. Discover now