Chapter 31 [Push and Pull]

Start from the beginning
                                    

"Er, sige. Mauna na ko." Tatayo na sana ako nagsalita ulit yung si James.

"Huh? Bakit? Hindi mo pa nagagalaw yung pagkain mo ah?"

 

"Hindi ako gutom." Tinignan ako ng matagal ni James na biglang naging awkward na. "May dumi ba sa mukha ko?"

 

Umiling si James at sumandal sa upuan niya habang tinitignan pa din ako ng mabuti. "Ang tanda ko.. ikaw yung sumapak dati dun sa nakaaway ni Justin sa bar, di ba? Nasan na yung astig na babaeng yun? Bakit ang laki ng pinag-iba mo?" Ngumisi siya. "Crush pa naman kita dati!" Tumawa siya ng malakas at napakunot yung noo ko. Playboy! Tsk, alam na alam ko na yung mga tipo nito.

"Well, that girl's gone. Where have you been for the past months at hindi mo alam ang mga nangyayari sa mga kaibigan mo sa Pinas?"

Ngumuso siya. "Mas maganda ka pag nananapak kaysa pag nagsusungit. Bakit ganon?" Tapos tumawa na naman siya.

Sheesh, umalis nga ako sa Pinas at nilayasan yung kaibigan niyang walangya tapos pinepeste naman ako nitong kaibigan nila! Bakit ba ang malas ko sa mga ganito? Grr.

"Okay, I'm done! Good bye!" Tumayo na ako at dire-diretsong naglakad palayo. Delikado yung lalaking yun, naalala ko sa kanya yung kaibigan niyang nanakit sakin.

 

"Pia! Pia, saglit!" Huminto ako pero di ako lumingon. "Alam mo, walang halong bola... dapat mas ngumiti ka pa. Mas maganda ka kapag nakangiti." Nagpatuloy na ko sa paglalakad at di siya sinagot.

Akala ko noon, yun na yung huling beses na makikita ko siya, maling mali pala ako. I never thought na magiging malapit siya sakin, parang bestfriend o kapatid.

* * *

Bawat tao may kanya-kanyang paraan para harapin ang mga stress, lungkot at sakit. Consciously or unconsciously, meron tayong sariling defense mechanism para protektahan ang sarili natin, to keep ourselves sane.

Si mommy, sinusubsob yung sarili niya sa trabaho. Naiintindihan ko siya. Dahil alam kong nakakatulong ang pagpapakabusy para mapigilan ang pag-iisip ng kung anu-ano. Pero ako, kabaliktaran ang ginagawa ko. I'd relax myself to keep calm and not break down. Hindi pa rin naman kasi simula ng classes dito kaya wala akong paraan para magpakabusy at si Zoe naman, marami siyang inaasikaso para sa magiging pag-aaral niya.

Kaya simula nung dumating kami ng Cali, nakasanayan ko nang magbike for hours sa palaigid ng city tapos ang pinakahuli ko laging destination ay isang park malapit sa bahay namin dito. I'd sit for a few hours dun sa isang swing and I'd watch everyone around me to keep myself from thinking. Pero paminsan-minsan, lalo na kapag nakakakita ako ng isang buong pamilya na namamasyal ng magkakasama, I find it hard to escape the sadness and the pain.

Naiisip ko kasi si Daddy. Parang kelan lang... kasama ko pa siya. Pinapatawa ako, kinocomfort ako, sinusuportahan ako at pinapasaya ako. Miss na miss ko na siya sobra. Hindi ako makapaniwalang ilang buwan pa lang ang nakakalipas at ibang iba ang buhay ko. Meron akong bestfriend na pinagkakatiwalaan ko... Unti-unti kong nararanasan ang magmahal.. At kasama ko ang Daddy ko, buo ang pamilya ko. How I miss those times.

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Where stories live. Discover now