"Hana." Pagsisimula kong magbilang senyales na wala akong panahon makipaglokohan sa kaniya.

"Dul." Agad naghanap ang mga mata ko ng maaring magamit sa kaniya para tigilan na niya ito, pero bago ko pa man mahablot ang lampshade ay nagsalita na siya. Seryoso na malumanay ang tinig na kaniyang ginamit kaya't nakuha noon ang atensyon ko.

"Tulog pa din sila, Light. Tayo pa lamang ata ang gising ngayon. Kaya matulog ka muna. Maghinay-hinay ka muna kahit ngayon lang. Nandito sina Tiara, sa tingin mo? Hahayaan ka nila na magpakita sa Improbus? No. They won't. Sila muna ang haharap sa Improbus bago tayong dalawa, kaya matulog ka muna. Para naman may lakas kang mang-alakas ka o kaya naman mambugbog mamaya." Noong pahuli ay naging pabiro ang boses niya kaya naman napa-irap ako.

"Tss." Maikling sambit ko at para bang may hipnotismo ang tingin niya sa akin na kusang gumalaw ang katawan ko upang huwag na makipagtalo sa kaniya at sumunod na lamang upang magpahinga ulit.

"Here. I'm already going back to sleep. Makatingin ka, akala mo naman masisindak mo ako." Asar na banggit ko habang iniiwasan ang tingin niya.

"Nasisindak ka nga, dummie. Makaiwas ka ng tingin, masyadong halata." Tatawa tawang sambit niya at awtomatikong gumalaw ang kamay ko papunta sa unan at saka iyon malakas na ibinato sa kaniya na sa kasamaang palad ay naiwasan niya.

"Tss." Mahinang sambit ko dahil doon.

"Sleep well, dummie. I'll wake you up later." He said while beaming at saka siya lumapit saka akin at pinitik ang noo ko.

"Yah!" Mabilis na reaksyon ko at umambang kukunin ang baril sa drawer ngunit mabilis pa sa kidlat ay tatawa tawa na siyang tumakbo paalis sa kwartong ito. Noong makaalis siya ay napangiti na lamang ako sa inasta niya.

"Isip bata." Mahinang imik ko, kahit alam ko sa sarili ko na mas naging isip bata pa ako dati. Tss. Past is past.

***

"Ayah, yaksok?" Mahinang tanong nang naka-ngiting si Dennise sa akin. Agad sumali si Vianca na tatawa tawa at sabay kaming inakbayan ni Dennise, kaya't nasa gitna na namin siya. I smiled at her and she returned it back with a graceful beam.

"Baegopa~" Biglang sambit naman ni Vianca na nagsasabing gutom na siya, kaya naman napatawa kami pareho ni Dennise lalong lalo na noong biglang tumunog ang tyan nito na parang may balyena doon na hindi pinakain ng isang buong araw.

Agad tumakbo si Dennise papalayo sa amin ni Vianca at saka tumatawang niloko si Vianca. Dahil may pagka-pikon talo si Vianca, tumakbo siya papunta kay Dennise. Habang ako naiwang nakatayo habang tinitingnan silang dalawa palayo.

Palayo sila. Palayo iyong dalawang anghel na naging totoo sa akin. Iyong dalawang anghel na naging kasangga ko sa napakadaming bagay. Iyong dalawang anghel... na pinutulan ko ng pakpak...

I extended my arm as if I could reach them. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitingnan ko ito. Samantalang walang kaide-ideya si Vianca at Dennise dito dahil patuloy lamang silang dalawa sa paghahabulan habang tumatawa na parang walang alalahanin sa mundo.

They run like they were the happiest people in the world... They run, when they were supposed to be flying and soaring high up in the sky.

Unti-unti, parang butil ng tubig ulan, walang tunog, ngunit kada patak ay napakasakit... Mula sa mga mata ko, dumadaloy ang luha ko pababa sa pisngi ko. Hindi ako humikbi, hindi ako humagulhol, hindi ko din sila masundan dahil hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, subalit bawat pagkawala ng luha sa mga mata ko ay ang napakasakit na hapdi sa puso ko.

Dennise... Vianca...

I watched them while they were running away... Gusto ko silang pigilan, gusto ko silang sundan pero katulad kanina ay napapako pa din ako sa kinatatayuan ko. "Don't run away from me..." I said while choking because of the pain in my throat and in my heart.

Liars Catastropheजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें