.........

Mula ng lumabas ng ospital si Aslea ay sa bahay ng kanyang magulang siya tumuloy sahil hindi siya pinayagan ng mga ito na mapag isa dahil narin sa kalagayan niya.

Hayun na naman siya at nakatulala sa kawalan, nakatingin sa malayo na para bang may hinihintay na dumating ngunit ilang araw na siyang ganuon ngunit hindi parin dumarating ang taong nais niyang makita.

"Kumusta na kaya ang babe ko? Ni wala man lang makapagsabi kong ano na kaya ang lagay niya, kung nag successful ba ang ginawang operasyon sa kanya o kung ano na ang nangyari" pigil ang luhang bulong ni Aslea sa sarili kaya dahil sa kaabalahan ng isipan niya ay hindi niya narinig ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina.

"Nakatulala kana naman diyan anak!" bungad na wika ni mommy Pretty kay Aslea na napalingon lang saka nito inilapag ang dala dala nitong tray......."Here's the raw mango, binigay ng kakilala ko at mayroon pang dalawa sa fridge at binalatan ko na itong isang piraso baka kako gusto mong kumain" sabi pa ni mommy Pretty sa kanyang anak at ng mapatingin si Aslea sa mga manggang nahiwa at may asin pang kasama ay parang naglaway ang kanyang bunganga at agad na kumuha ito at walang pangingilong nginuya niya ng hindi man lang kumukurap.

"Thank you mommy, ansarap ng mangga!" parang biglang sumaya ang boses ni Aslea ng sandaling iyon kaya naman tuwang tuwa ang mommy niya.

"Kung may gusto kang kainin anak ay sabihin mo lang at bibilhin ko" wika pa nito habang papikit pikit na pinapanuod ang anak sa pagkain ng mangga dahil pakiramdam ni mommy Pretty ay siya ang nangingilo sa sobrang asim nito.

"Thanks mommy!" sagot ni Aslea na waring nag isip pa at maya maya ay........."I want guava,mommy. Iyong makinis ang balata at walang anumang mantsa and also buy me a hard boil egg" waka sa loob na sabi ni Aslea kaya naman napakunot noo ang kanyang ina.

"Eh anak, wala namang tindang nilagang itlog sa palengke eh! Ipaglalaga nalang kita ng itlog at magpapabili ako kay Daleng ng bayabas" nangingiting saad ng ginang.

"Eh mommy, ayaw kong si Daleng ang bumili ng guava na kakainin ko! Baka mamaya niya'n eh puro kulubot ang bilhin niya at maraming butas o kaya ay may mga mantsa!" protesta ni Aslea na napakunot pa ang noo nito bilang pagsalungat sa sinabi ng kanyang ina.

"Sige na nga, ako nalang ang bibili baka iba pa ang mabili ni Daleng" sagot ni mommy Pretty at agad na iniwan ang kanyang anak sa may hardin ng tawagin siya ni Daleng at sinabing tumatawag ang kanyang kaibigan.

......

New York.....

Matuling lumipas ang mga oras, araw at linggo. Mula ng ma operahan sa ulo si Shannon ay hindi pa ito nagigising at ayon sa kanyang doctor ay na comatosed daw ito ngunit okay na naman ang kanyang operasyon, iyon lamang, tanging ang kanyang paggising nalang ang hinihintay ng kanyang pamilya para mapanatag na ng tuluyan ang kanilang kalooban.

Dahil sa naging okay narin ang kalagayan ni Shannon kaya nakiusap nalang ang mag asawang Don Robert at Donya Imelda na sa kanilang bahay nalang nila hinintayin na magising ang kanilang anak at kumuha nalang sila ng isang private nurse na siyang nangangalaga sa kanya at tumitingin ng kanyang kalagayan.

"Robert, kailan kaya magigising ang ating anak?" malungkot na tanong ni Donya Imelda habang walang kakurap kurap itong nakatingin sa kayhimbing na si Shannon.

"Hindi ko masasagot ang tanong mo, Imelda dahil ako man ay walang idea kung kailan siya magigising. But I'm nit so worried already dahil ligtas na siya sa panganib."sahot naman ng Don.

"Eh, hindi kaya magkaroon ng problema sa kanyang isipan ang nangyraing aksidente sa kanya?" nangangambang tanong muli ng donya.

"Hindi naman siguro!" umaasang sagot ng Don at napatingin sa kanilang anak dahil sa totoo lang ay may pag aalinlangan din sa kanyang isipan lalo pa at nasa comatose stage ang kanilang unico hijo.

"Good morning everyone!.." mula sa may pinto ay bumungad ang isang sopistikadang babae kaya napalingon ang mag asawa.

"Ikaw pala, Jane! Karatating mo lang ba?" nakangiting turan ng ginang sa kanilang panauhin. Si Jane ay ang kanilang kapit bahay dito sa States na may malaking paghanga kay Shannon.

"Yes, tita! I just arrived at may dala akong pizza para sa inyo ni tito" masayang sagot nito saka ibinaba ang dala nito sa mesa na naroroon.

"Salamat iha, nag abala ka pa" sabi ni Donya Imelda.

"No,it's okay lang po tita. It's a small thing lang po iyan at I'm happy na ginagawa ko ito para sa inyo" nakangiti nitong sagot at tinunghayan nito Si Shannon....."Kumusta na po ang lagay niya?"

"Gaya parin ng dati,iha. We're just waiting kung kailan siya magigising" sagot ng Don saka ito huminga ng malalim at kapagkuwa'y nagpaalam ito dahil may gagawin daw kaya naiwan ang dalawa.

"Alam mo iha, sobrang pasasalamat ko at lagi kang andiyan sa aming tabi para bantayan si Shannon kung sakaling may importante kaming inaasikaso". ani Donya Imelda saka nito ginagap ang kamay ni Jane.

"Tita naman!" natatawang sabi ni Jane........"Wala po kayong dapat ipag alala sa akin dahil masaya ako sa ginagawa kong ito lalo na kay Shannon. Para sa kanya ay gagawin ko ang lahat, ibibigay ko sa kanya ang oras ko dahil noon pa man tita ay mahal ko na siya at alam kong alam naman ninyo iyan. Hindi po ako naglihim sa inyo ng damdamin ko para Shannon because I know na maiintindihan niyo naman ako" prangkang pahayag ni Jane sa ginang.

"Kung ako naman iha, hindi ako namimili ng babaeng papanasalan ng anak ko. As long na mahal nila ang isa't isa ay walang pagtutol mula sa akin dahil ang hangad ko lang ay ang kanyang kaligayahan and actually, I really want to get him married dahil nais ko naring magka apo ngunit parang wala pa yatang babaeng nakabihag ng kanyang pihikang puso" saad ni Donya Imelda.

"You mean tita, wala paring nobya si Shannon until now?!" hindi makapaniwalang tanong nito na mababakas sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan.

"Iyon ang pagkakaalam ko" sagot ng ginang na mas lalo pang nagpakislap ng ningning sa mga mata ni Jane.

"Wow talaga yata g meant to be kami ni Shannon!.." buong kompiyansiyang turan nito......"But, tita! Sino iyong girl na Aslea Vergara na naka upload ang mga pictures niya sa IG ni Shannon?" agad na tanong ni Jane ng maalala ang babae sa IG posts ni Shannon.

"Ah! Kapatid na babae ng isa sa mga kaibigan ni Shannon. Parang kapatid na niya iyon at kung minsan ay para silang aso't pusa kung magbiruan dahil palaasar si Shannon at si Aslea naman ay pikon"

"Ah akala ko ay girlfriend niya" parang nakahinga ng maluwag si Jane dahil sa sinabi ni Donya Imelda.

Habang nasa kasarapan ng kwentuhan ang dalawa ay biglang....." Hmmmm" parang nanghihinang ungol ang narinig nina Jane at Donya Imelda kaya naman napalingon sila sa pinanggalingan nito at laglag agad ang mga butil ng luha ng matanda ng makita nito nangumagalaw ang mga kamay at braso ni Shannon.

"Anak ko, Shannon!.." bulalas ni Donya Imelda sabay yakap bg mahigpit.

"A-anak!...Sino po ba kayo at saan ako naroroon?" maang na tanong ni Shannon na palinga linga sa paligid.

"Ako ang mommy mo anak,hindi mo ba ako kilala?" luhaang sabi ng Donya ngunit umiling lang si Shannon dahil wala siyang idea kung sino ang mga nasa paligid nito.

Ano nga ba ang nangyayari kay Shannon? Kailan magkikitang muli ang landas nila ni Aslea at si Jane, ano ang kaya niyang gawin upang mapasa kanya si Shannon?

Abangan

Hunks Series5... SHANNON...The Boastful Hunk ...by emzalbinoWhere stories live. Discover now