20: I'm yours, you're mine

Magsimula sa umpisa
                                    

Idinaan na niya muna 'ko sa bahay para makapagpalit ako ng uniform. Putik, tinatamad akong pumasok. Ang sakit pa ng ulo ko. Ito na yata ang tinatawag nilang hang-over, tsk.

Sabay na kaming pumasok ni Van sa campus. Gulat na gulat na nakatingin sa 'min ang mga tao noong lumabas ako mula sa sasakyan niya. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo at magandang sabay na pumasok?

"Hi, Meagan."

Dahan dahan ko pang nilingon ang tumawag sa 'kin to make sure na ang boses nga na 'yon ay nagmula sa 'king iniibig. And yes! I'm right. Si Drake nga siya. (insert shining, shimmering eyes)

"Hel-"

"Come on, Babe." Biglang singit ni Van tapos inilagay niya sa waist ko ang kamay niya. Hindi man lang pinatapos ang pagbati ko kay Drake.

"Anong problema mo?" Bulong ko kay Van.

"I told you, hwag mo na siyang lapitan."

"Bakit ba naiinis ka sa kanya? Ano bang ginawa niya sa 'yo?!"

"None of your business."

Tignan mo 'tong taong 'to, nagsisimula na namang magsungit. Mas may moodswing pa yata siya kaysa sakin.

"Hi, Vanny baby." Sabi no'ng babaeng nakauniporn. Nahiya naman ako sa suot niya, tinanggal na lang niya sana.

"Hi." Balik na bati ng magaling.

At ano pa nga bang aasahan ninyo sa isang gangster at babaerong si Van Alvarez?

Kaagad niyang binitawan ang paghawak niya sa bewang ko at nakipaglandian na do'n sa babae. Kapag ako bawal, 'pag siya pwedeng-pwede?! Nakakabwisit talaga siyang gago siya.

Naglakad na ako paalis. Nakakaasar! Hwag niya na akong kakausapin, gago siya!

"Bakla, kamusta ka na? Sorry kagabi, ha." Salubong sa 'kin ni Abbi.

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Choice ko naman 'yon. Ako ang uminom nang marami. Tara na, mabuti pang pumasok na tayo."

"Owkidowki." - Abbi

Pumasok na kami sa room. Badtrip talaga ang lalakeng babaero na 'yon. Grr! Makarma sana siya, hmp!

Umusad nang umusad ang oras hanggang sa matapos ang unang tatlong subject. Break time na sa wakas. S'yempre, pumunta kami ni Abbi sa cafeteria. Habang kumakain kami do'n ay biglang pumunta sa table namin sila Drake.

"If you don't mind, makiki-table sana kami sa inyo. Pwede ba? Okay lang naman kung hindi." Pakiusap pa ni Drake. At base sa nakikita ko sa mukha niya, ineexpect na niya na papayag kami.

"Pwedeng pwede s'yempre. Di ba, bakla?" Si Abbi 'yon. Alam niya kasing crush ko si Drake.

"O-oo, okay lang." Sagot kong ganon.

Nakiupo nga sa may table namin sila Drake. Hindi naman sa ma-feeling ako pero nagpapa-cute yata siya sa 'kin. Nemen kese dreyk e! Kenekeleg eke, weg keng ngemete.

Ay! Ano daw 'yon? Ang harot.

"Okay lang ba kung lagi na kaming sasabay sa inyo kumain?" Sabi ni Nick. Isa sa mga kaibigan ni Drake.

"Oo naman, pero baka magalit naman sa 'min yung mga fans niyo." – Abbi

Paminsan-minsan naman sana, Abbi, matuto kang humindi.

"Don't worry, we wont let them hurt you. Kami ang bahala sa kanila." Sabi naman ni Mike na tila nagpapapresko pa kay Abbi pati na rin sa mga nakikitingin sa amin.

Nakuuuu~ sinabi na rin 'yan nila Van dati, hindi naman natupad.

"By the way, Meagan, si Van boyfriend mo ba siya?" Tanong sa 'kin ni Drake habang sinisimulan nang kainin ang hamburger niya.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon