"Oo, uuwi raw sila rito agad-agad para makita ng personal si Mei. Ano na bang lagay niya ngayon?" May pag-aalalang tanong ni Mommy.

"Hindi pa po lumalabas sa loob ang doctor." Sagot ko.

Lumapit si Mommy kay Luke. "Hijo, gusto mo bang kumain muna?" Hinaplos pa ni Mommy ang likod nito.

"Hindi na po, Tita. Hihintayin ko po munang lumabas ang doctor ni Ate." - Luke

"Baka matagalan pa 'yon, Luke. Halika, sasamahan muna kita para makakain ka." Si Daddy ang nagsalita.

"Wala po akong gan-" Naputol ang sinasabi niya nang may lumabas na lalakeng doctor sa kwarto kung saan ipinasok si Mei.

"Doc, kumusta na po ang Ate ko?" Lumapit pa si Luke at hinawakan ang magkabilang kamay ng doctor.

"She's fine now. Maswerte ang pasyente dahil naihatid kaagad siya rito dahil kung hindi, baka mamatay siya. Dalawang tama ng baril ang natamo niya. Isa sa tagiliran at isa sa likod. I suggest, na pagpahingahin niyo muna ang pasyente ngayon."

"Bawal pa po namin siya puntahan?" Tanong ulit ni Luke.

"She's now sleeping. Hayaan niyo muna siyang mag-isa r'on. Excuse me, may mga gagawin pa 'ko."

Umalis na ang doctor.

"Mamaya na natin pasukin ang Ate mo, Luke. Ayos na naman siya sabi ng doctor kaya, kumain na muna tayo tapos pagbalik natin, saka nalang natin siya puntahan." Sabi ni Mommy.

"Paano po si Ate?"

"Hindi naman tumatakbo ang tulog Luke." Biro ko pa. Ngumuso naman siya. Itong batang 'to, mahal na mahal ang ate niya.

Sumama na rin naman sa 'min si Luke. Kumain muna kami sa Mang Inasal. Ito kasi ang pinaka malapit na fastfood chain dito sa ospital. Wala raw siyang gana pero nakakaanim na rice na siya. Paano pa kaya kung may gana siya? Hahahahaha.

MEAGAN PEREZ' POV

Pagmulat ko ng mata ko, nasilaw ako sa liwanag. Wala na kasi 'kong ibang nakikita kundi kulay puti.

Nasaan ba 'ko? Anong bang nangyari, bakit amoy ospital dito?

"Ate, Good morning!"

Kay Luke ang boses na 'yon. Medyo malabo pa ang paningin ko.

"Ate! Ate, okay ka lang? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka bang kainin? Ano ate, anong gusto mo?"

"Gusto ko ng katahimikan, Luke." Sabi ko sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko.

"Ate Abbi, gusto yata ni Ate na pumunta sa sementeryo." Rinig ko pang sabi ni Luke.

Nandito si Abbi?

Pinilit kong alamin kung nasaan ako. Nilabanan ko ang nakakasilaw na liwanag hanggang sa masanay ulit ang mga mata ko. At, kaya pala amoy ospital dahil nandoon ako.

"How's your feeling, Baby?" Napalingon ako sa nagtanong.

"D-Dad? Y-You're here?" Pinilit kong makatayo mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman ako ni Daddy.

"Daddy, I missed you so much!" Niyakap ko si Daddy at saka napaiyak. It's been two years since I last saw and hug him.

"I missed you too, Baby." Ibinalik ni Daddy ang mahigpit na yakap sa 'kin na sinamahan pa niya ng marahang paghaplos sa buhok ko.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن