14: The Broken Promise

Start from the beginning
                                    

"You will pay for this, I swear!" Mangiyak-ngiyak pa niyang sabi.

Ang galing mag-umpisa ng away tapos, iiyak pala sa huli. Parang bata! Nakakaawa. -_-

Inayos ko ang buhok ko at idiniretso na sa counter ang mga binili ko. Magbabayad nalang, napaaway pa. Haynako! -.-

Pagkatapos kong magbayad, umuwi na 'ko at isinalansan ang mga napamili ko.

Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako pinapansin ni Van. Pati yung anim, iniiwasan na rin ako. Wala man lang akong maisip na dahilan kung bakit nila ginagawa sa 'kin 'to, nakakaasar. >_<

Pati nga si Luke, iniiwasan na rin nila. Ayaw na raw siyang turuan ng COC at sinabihan pa siya na hwag na raw lalapit sa kanila. Like, seriously? Anong nagawa namin sa kanila para ganitohin nila kami?!

Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman na iniiwasan nila ako pero sana man lang, sinasabi nila ang dahilan kung bakit. Hindi naman ako manghuhula na may kakayahang malaman ang mga bagay bagay. And, I really hate to feel so dumbfounded! >_<

Gulong-gulo ang isip ko habang inilalagay ang bag ko sa locker ko. Ini-lock ko na 'yon at nagsimula nang lumabas don pero hindi ko inaasahan na magkakabanggaan kami ni Van.

"Van, mag-usap nga tayo." Sabi ko sa kanya pero, dinaanan niya lang ako.

"Van naman! Ano bang problema niyo sa 'kin?!"

Hindi pa rin niya ako sinagot. Sa halip, pagkalagay na pagkalagay niya ng gamit niya sa locker niya, dinaanan lang ulit niya 'ko. Nabangga niya pa nga ang kaliwang balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya. Kung ayaw niyang sabihin, fine! Hindi ko siya hahabulin. Ang kapal ng mukha niya. Napaka kapal ng mukha niya!

Umuwi nalang ako sa bahay. Nakita ko r'on si Luke na nakatingin sa bintana at sinisilip ang katapat na bahay.

"Bakit ka sumisilip d'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang, Ate. Namimiss ko lang sila Kuya Van. -,- Siya nga pala, may nagpadala sa 'yo ng regalo."

"Ha? Kanino naman galing? >.>"

"Ewan ko. Hindi ko naman tinignan e. Ikaw na umalam, inilagay ko 'yon don sa kwarto mo."

Agad-agad akong tumakbo sa kwarto ko at nakita ko r'on ang isang box na nakabalot sa pulang gift wrapper.

Tinignan ko kung kanino galing pero, wala namang nakasulat.

Hindi kaya galing 'to kanila Van? >.>

Binuksan ko ang regalo. At nang makita ko ang laman non, napatalon ako at naihagis ang kahon na hawak ko.

"Luke! Luke bilisan mo umakyat ka rito!! Luke!!" Nagpapanic na sigaw ko.

Bigla nalang akong kinabahan.

"Ano ba 'yon, At—Puta, ang baho naman!" Tinakpan pa ni Luke ang ilong niya.

"Sino ang nag-abot sa 'yo ng padala na 'yan?! Sabihin mo!"

"Hindi ko nakita ang mukha, Ate. May nakaaway ka ba?!"

Kaaway? Meron ba?

Si Poopoo girl!

Siya kaya ang nagpadala nito?! Ganon ba siya gumanti, nagpapadala ng patay na daga na may kasama pang sariwang dugo?! Napaka-late niya naman gumanti, noong nakaraang linggo pa ang away namin ah!

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now