"Wala." Nagdiretso na siya sa paglalakad. Ang labo din nito e, magtatanong tanong siya tapos kapag siya ang tinanong hindi naman ako sasagutin. Wala talagang kwentang kausap 'to.

Next stop namin ang music room.

"So, yeah. This is the music room." Sabi ko lang. Wala naman akong maisip na pangdescribe sa lugar na ito. Hindi naman ako na-orient.

"Pwede ba naming subukan ang mga instruments dito?" Excited na tanong ni Paul.

"Oo naman, sige lang."

At nangialam na nga sila. Mga may alam pala sila sa pagtugtog. Hindi kasi halata sa hitsura nila.

Naggitara si Carlo at Harry. Si Paul naman, pinakialaman ang drums. Si Fean, sa flute. Si Kurt, sa organ. Sound proof naman ang music room kaya free silang mag-ingay. Nagkasundo silang tumugtog ng iisang piyesa. Glory of love ang napag-usapang tugtugin. Si Gian ang vocalist at si Van, audience.

Ang galing nila. Old song pala ang hilig nila. Hindi sila yung tipo ng gangster na breezy.

"Anong alam mo tugtugin, Babs?" Pag-oopen ni Harry ng topic.

"Wala e. Wala akong talent sa ganyang bagay. Bakit ba Babs kayo nang Babs sa akin? Tawagin niyo nga ako sa pangalan ko."

Para kasing sounds like Baboy yung Babs. E hindi naman ako mataba =___=

"Okay na yung gano'n, Babs. Ang cute nga e." Sabi naman ni Gian.

"Oo nga. Saka, Babs talaga ang itinatawag namin sa mga babae naming kaibigan." Si Carlo naman ang nagsalita.

"Kaibigan as in Friend? You consider me as your friend?" Gulat na tanong ko sa kanila.

"Oo. Bakit hindi ba? Masasaktan kami kapag sinabi mong hindi." Si Fean naman iyon.

"Friend. Okay, friends tayo." Wala sa sariling sabi ko.

Hindi ako nainform na friends na pala kami. Ganon pala sila makipagkaibigan. Inilalagay nila sa peligro >.>

"Thickhead, let's go to the field." Utos ng mahal na haring si Van.

"Okay, tara." Binitiwan na nila ang mga instrumentong ginamit nila at sunod naming pinuntahan ang field.

Pagkarating namin don, humanap sila ng pwesto na pwedeng paghigaan. Mga walanghiyang ito, gusto lang palang matulog. Hindi nalang magsiuwi.

Nakahiga silang lahat tapos nakaunan ang ulo nila sa dalawa nilang palad.

"Babs, kaano ano mo si Drake?" Binuksan na naman nila ang usapan tungkol kay Drake, tapos kapag ako na ang magtatanong, hindi na nila sasagutin.

"Schoolmate ko siya noong highschool." Umupo ako sa bermuda grass.

"Malapit kayo sa isa't-isa?" Sunod na tanong ni Kurt.

"Hindi, pero nagbabatian kami. Nagkukumustahan, mga ganong bagay."

"Kilalang-kilala mo na ba siya?" Si Harry naman 'yon.

"Hindi? Bakit?"

"Wala." Tapos lahat sila tumahimik. Sabi na e. -_-

Limang minuto rin kaming binalot ng katahimikan. Ang sarap ng hangin dito sa field. Nakakarelax.

"Makinig ka Babs, ang totoo niyan, nandito kami para—" Naputol ang pagsasalita ni Carlo nang may isang babae ang sumigaw mula sa hindi kalayuan.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now