1: Meeting the Bastard

133K 2.3K 571
                                    

Part 1: Meeting That Bastard!

Ang kuwentong ito ay rated SPG. Maaaring may maseselang tema, lengguwahe, karahasan, seksuwal, horror, o droga na hindi angkop sa mga hindi ganon ka openminded. Pagpipigil sa sariling bumasa ang kinakailangan para oks tayo. Dejk! Pero maraming bad words so, there's no space for the saint one. Lol.

Meagan's Point of View

Hayaan mo po sana kami~ na magsama at magsalo sa pag-ibig, sa pag-ibig, at magtabi...ng pagmamahal

"Lucas, stop that! Nakakainis naman 'yang mga pinatutugtog mo! Gangster ka ba, ha? Gangster ka ba?!" Sigaw kong ganon sa kapatid ko. Nakakadiring mga kanta naman kasi ang ipini-play! Hindi na nahiya sa mga taong makaririnig lalo na sa mga kalapit na bahay. Subdivision kaya 'to at hindi squatter area, jeez!

"Bakit ba, Ate, ano bang problema mo? Ang ganda-ganda kaya nito!" Sagot pa sa 'kin ni Luke. Sinasabayan pa talaga niya yung lyrics ng kanta. Para bang lamon na lamon siya sa binuo niyang sariling sistema.

Nagulo ko nang wala sa oras ang buhok ko at napahilot na lang sa aking sintido. I rolled my eyes on him. Saang lupalop ng mundo niya ba nakuha ang mga ganyang klase ng kanta? Anakngtinapangbasa, bukod sa ang bilis-bilis ng pagkakabigkas sa mga lyrics, napakana-nonsense pa ng mga ito. Kung bakit ba kasi nauso-uso pa 'yang breezy-breezy na 'yan. Don't blame me if you're a fan, but seriously, nakakairita ang kajejehan nila. I know that we're on a jeje era, but it is too much! Dati, Curse one at ngayon naman ay iyan!

Haybuhay, ano pa kaya ang mauuso sa susunod? Baka hindi ko na talaga kayanin at maisumpa ko na ang gumagawa ng mga ganyang klase ng kanta!

"Ihinto mo nga 'yan, i-play mo yung CD ko!" Utos ko sa kaniya. Naggugupit kasi ako ngayon ng kuko ko sa kamay, masyado na kasing mahaba.

Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin at sinamaan pa ako ng tingin. "Ayoko nga," pagtutol niya. "Ipapatugtog mo na naman ang mga kanta ng Taylor Swift na 'yan. Luma na 'yan, eh! Badblood, Badblood, pwe!" At umarte pa siya na tila ba'y diring-diri na dumura. Gross!

Nakataas ang isang kilay kong humarap sa kaniya. Nagpanting ang tainga ko sa totoo lang. Ayoko sa lahat ay yung binabalahura ang mga gusto't paborito ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka nakipag-face-to-face sa kaniya. As in, kulang na lang ay magkapalitan na kami ng hininga sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Pinisil ko ang magkabila niyang pisngi saka ito hinila sa magkabilang direksyon na ikinapangit naman ng kaniyang hitsura.

"For your information, my dear Luke Perez, hindi luma ang mga kanta ni Taylor Swift. Sikat 'yon! Yung album no'n palaging sold out dahil libo-libo ang bumibili. E 'yang 187 Mobstazz eme-eme eclavu mo, mga kapwa mo lang gangster ang bumibili. Take note, yung mga CDs niyo pa, reject! Mukhang tigbebente, kadiri." Nag-makeface pa ako na parang nandidiri talaga-para makatotohanan.

Hinila niya ang buhok ko dahil sa kaniyang pagkapikon. Ts, totoo naman ang sinabi ko, truth hurts talaga.

At dahil nga sa napikon si Luke, hayun, nilakasan pa lalo ang volume ng pinatutugtog niya. Arg!

Umakyat nalang ako sa kwarto ko. May sarili naman akong DVD player at TV sa kwarto kaya dito nalang ako magpapatugtog...nang malakas.

Ha! Tatalbugan ko 'yang volume ng sa 'yo, Luke. Watch and listen!

Napapa-flips hair ako habang naiisip ko ang magandang plano.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now