1: Meeting the Bastard

Start from the beginning
                                    

Pagkasalang na pagkasalang ko ng CD, humiga kaagad ako sa kama at pinagmamasdan ang mga nakadikit na posters ni Taylor Swift ng iba't-ibang cover niya sa kaniyang mga album.

"Ate, hinaan mo naman 'yan!" Sigaw ni Luke mula sa ibaba. Nai-imagine ko pa ang pagkalukot ng mukha niya. Paniguradong nakanguso pa ang isang 'yon.

Oh, sorry little braduh, ayokong marinig 'yang kabaduyan mo, eh.

Ilang oras rin ang pinalipas ko sa kwarto ko kapapakinig sa mga album ni Taylor Swift. Wala na nga sana akong balak lumabas ng kwarto kaso, bigla akong tinawag ni Mommy para lang utusan.

"Mei, bumili ka na nga ng grocery natin, nauubos na ang stock sa ref." Sabi niyang ganon.

"Opo, Mommy."

Pinatay ko na ang tugtog at humarap sa salamin. Nagpulbo, at saka sinuklay ang hanggang ibaba ng balikat kong buhok.

Tumingin muna ako sa orasan bago lumabas ng kwarto. 7:45 na pala ng gabi. May maabutan pa kaya akong bukas na grocery store? Alam ko kasi hanggang 8:00PM lang 'yon, eh.

Kinuha ko kay Mommy ang listahan ng mga bibilhin at saka na tumakbo papunta sa likod ng pintuan ng kwarto ni Mom. Kinuha ko ang susi ng sasakyan saka dali-daling itinakas yung kotse. Siguradong kapag nalaman 'to ni Mommy, pagagalitan niya ako. Wala pa akong driver's license kaya kapag nahuli ako ng mga nagchecheckpoint sa labas ng subdivision, doble ang pagiging yari ko.

Huwag naman sana mahuli!

Habang nagmamaneho, may nakasalubong akong mga kaedaran kong kabataan na naglalakad at nakasuot ng sobrang napakajejeje-ng mga damit.

Yung mga lalake, nakasuot ng malalaking checkered na polo tapos nakamaluwag na maong na shorts na lagpas tuhod. Nakahighsocks pa at nakasuot ng rubber shoes na parang barko sa laki. May mga panyo pa sila sa ulo.

Akala ba nila kamukha nila si Dao ming si ng Meteor Garden? Tch! Nagmukha lang silang mga albularyo. Mukhang mas worst pa nga, eh.

Pati yung mga babae nakaparang pambasketball na shorts na may bulls sa gilid at mga naka-strapless. Hindi ba sila aware sa kalamigan ng gabi? Aba't mga naka-cap pa na may nakasulat na 'swagger'. Susmiyo, I can't imagine myself wearing those stuffs. I really can't, argh!

Pinaandar ko nang mabilis ang sasakyan para malagpasan sila kaagad. Sino ba'ng nagpauso ng mga pormahang ganon at bakit kumakalat dito sa lugar namin? Like, DUH kung ako presidente, ipagbabawal ko 'yan.

Ang kaso hindi eh, kaya 'yan, tiis-tiis muna sa view, Meagan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin ako sa dapat kong patunguhan. Nag-park na ako sa parking area ng puregold. Nag-ikot-ikot na ako sa loob para isa-isahin ang mga pinapabili ni Mommy. Nakumpleto ko naman kaagad ang nasa listahan.

Pumila ako sa counter at pina-compute ang mga pinamili ko.

"Three thousand eight hundred forty three and fifty centavos po, Ma'am." Nakangiti niyang sabi.

Nakatingin ako sa kaniya-sa mukha niya to be specific.

Bakit kaya lahat ng saleslady naka-super pak ganern na blush on? Rumo-rosy cheeks parati.

I Knew You Were Trouble (SOON TO BE PUBLISHED)On viuen les histories. Descobreix ara