Chapter 26: BAND!

Magsimula sa umpisa
                                    

"talaga? Wow. Eh ano.. may GF na ba siya?"

"oo. Cute nga nilang dalawa eh. Under na under si Kys dun kay Ales hahaha"

"ay may girlfriend pala. Kaya naman pala niya nasabing goodboy na siya at hindi na tumatawag ng babes haha"

"wow napansin mo yun?"

"crush ko eh haha sshhh lang ah"

"sure" ^___^ gwapo naman kasi talaga si Kysler eh. Kaya nga naging crush din siya ni bessy

Maya maya dumating na yung professor at saka na kami nag quiz.

Nakakatwa yung dalawang sira ulo nagtabi pa sila at ayun nag kopyahan pa sila. Napapansin ko din na si Erick seryoso din siyang nagsasagot. Napapansin ko lahat yun kasi agad ako natapos eh ^__^

Matapos namin kuhanin lahat yung quiz. Nagsalita yung prof.

"this month may gaganapin na BATTLE OF THE BANDS dito sa university. Ang labanan ay pagitan sa mga iba't ibang colleges." Blah blah ang daming sinasabi >__<

Dali na dali na gusto ko na lumabas!!!

"bilang adviser ng klase na ito" tama adviser ko nga pala siya. Ayos nuh? College na may adviser pa! haha pero siya lang ang tiga inform saamin

"gusto kong i-assign si Lance Tamayo na bumuo ng banda! Dito sa classroom"

Nagtinginan lahat ng estudyante sakanya

Yung iba naguguluhan. Ako hindi na. alam ko kasi na nag gigitara siya eh at saka may banda siya.

"alam naman siguro ng iba sainyo na may banda sila Mr. Tamayo at isa siyang magaling na gitarista. Kaya naman inaatasan ko siyang bumuo ng banda para naman may representative ang klase niyo."

Klase daw. Hindi naman kami block eh. May mga irregular pa din kaming kaklase >__<

"so Mr. Tamayo. I'll let you choose kung sino ang gusto mong maging kasama sa banda"

"yes ma'am"

Tinawag ng prof si Erick tas nag usap silang dalawa sa harapan. Kami naman dito nag dadaldalan.

"OKAY CLASS!! CLASS!!!"

Nanahimik kaming lahat

"nakapili na kami ng mga makakasama ni Lance"

Eeeehhh bakit ba Lance ang tawag sakanya? Nakakainis >3< pwede namang Erick nalang

"sino naman kaya napili nila? Ang nice ah. Kilala ba niya lahat dito pag dating sa music? Cool haha" said Irish

Oo nga.

Di naman niya kilala kung sino saamin ang may mga instrument na tinutugtog eh

"bass ay si Kyo" si Kyo yung kaklase namin na Japanese din ^___^

Nice marunong pala siya?

"Drummer... Dennis" tawag ni Ma'am

"WOW! PARE! HAHA marunong ka pala?" tawanan sila

"pakyu! Natural! Talented kaya ako di lang halata hahaha"

Syempre alam na ng lahat na ang sa guitar ay si Erick..

"sa vocalist wala pa kasi napili. Pero----"

"ay ma'am! May kilala ako maganda ang boses!!!" sabi ni Kysler

Ayos ah ang active ata ng mga to? Haha

"haha ayos Kysler! Baka i-volunteer mo sarili mo ah! Maawa ka" sabat naman ni Dennis

"hindi sira! Parang di mo naman kilala!"

Tapos..

Pansin ko..

Pansin ko lang ah

"bakit kayo nakatingin saakin?" I asked

Paano ba naman tingin tingin sila saakin >____<

""t-teka----"

Nakita ko na nag-grin yung dalawa T______T

"Ma'am! SI MIYUKI MAGALING KUMANTA!!!!" chorus pa yung dalawa T____________T

"hala! Hindi po"

"oi! Na-save ko yung nasa CD nung isang araw! Hahaha teka yung laptop ko! i-abot niyo nga!" utos niya

Nasa harapan na kasi siya sa may teacher's table

Hala naman!!!

"ihahagis ko! saluhin mo ah! Haha" sigaw nung isa namin na kaklase

Anla naman T_____T

Bigla nila niplay yung kinanta ko for Lance

Nakakahiya T____T

May message pa yun eh

"Lance daw.... Birthday mo Lance? kelan?" tanong nila

"ayieeeeeeeeeeeee kaya naman pala ang lagki----"

"IBANG LANCE YAN >____<" napatayo ako... kasi naman eh

"sorry sorry pwede magsorry?"

Panu kung hindi? -____-

"Ms. Parco... maganda ang boses mo. Sumali kayo. Lalo ka na. ang dami mong absent saakin. Kung hindi ka sasali... magiging malupit ako sa grades mo dahil lagi kang wala!"

Hala T_________T

"kainis kayo!" nasabi ko nalang

Nakangiti na silang lahat..

Kasi naman eh >________<

Ano pa magagawa ko? GRADE KO NAKASALALAY DITO! T__________T

BAND?

Banda?

Ang ewan lang.

Bahala sila >___<

Ang kaso. Why with THEM? Especially. Why with Erick pa? siya pa Leader T___T

Yada yo T___T ( I don't wanna)

Tapos nabakante yung klase samin. Walang pumasok na prof nung next subject na.

Nakaupo ako ng biglang lumapit saakin si Erick.

>___<

Naiinis ako sakanya

"Mag-usap tayo"

Eh???

"bakit?"

"wag dito" sabi niya saka siya naglakad. Ako naman parang tali na hinila niya kasi sumunod naman ako >__<

Nakakainis. Pero may gusto akong itanong...

Dapat ba sakanya ko itanong?

Nasa corridor kami ng biglang may humila sa kanang kamay ko

At...

At..

"L-Lance???" hala... kinakabahan ako >___<

May iba sa mukha ni Lance yung kahit tingin lang matatakot ka na kaagad. Hala naman.

"lets go"

"h-hah??? teka.. may sasabi-----"

"SABI KO TARA NA!"

>___<

Hinila niya ako tapos biglang

Hala!!!

Napatigil kami ni Lance....

Bigla din akong hinila ni Erick sa kabilang kamay T_______T

Hala.....

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba eh....

Bitiwan niyo na ako please TT________TT

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon