<---vote and comment

Chapter 10: badtrip lang

 

 

Kysler:

 

 

Natatawa ako kay Lance kahapon! Bigla bigla nalang nagtetext! Akala ko may kalokohan nanaman akong nalaman niya! Haha

Yun pala! Hihingi lang ng mga banat! Yung taong yun? Babanat? Ahahaha iniisip ko palang tawa na ako ng tawa!

Ngayon nandito ako sa harap ng ibang college/building may hinihintay ako.

"oi si Kysler yun diba?" nairinig ko yung mga bulungan ng mga babae, hindi ko alam kung bakit nila ako kilala, pero siguro dahil sa mga laban ng basketball sa iba't ibang departments. Si Lance hindi sumali hassle na daw masyado yun kasi may soccer pa siya sa labas idagdag mo na yang napaka busy niyang course daming makakapal na libro na binabasa.

Nakasandal ako ngayon sa pader.

Ang tagal naman nun.

May klase na ako mamaya.. tagal tagal tagal tagal naman nung babaeng amazona na yun!!!

Itetext ko siya!!! Ang talino mo talaga Kysler! Ngayon mo lang naisip yan!!!

To: Monster

 

Oi monster, san ka?

 

-end-

 

 

 "hello Kysler" bati nung magandang babae

"hi babes" nakangiti kong bati sakanya at kinindatan ko pa! tignan natin kung hindi ka kiligin! Haha

"yaaaaaah babes daw!!!" sabi niya sa mga kasamahan niya. Nakakatawa naman itong isang ito haha. Sobra naman ipinapakita pa saakin yung reaction, na turn-off tuloy ako hahaha

Sa totoo lang natuturn-off ako kapagka ganyan pero minsan naman hindi. Ewan ko ba? Weird ako? Siguro haha

Kaya nga sakanya ata ako tinamaan kasi halos pinagtatabuyan ako! Ba yan! Gwapo naman ako, matalino? Hindi ko alam hahaha

*bzzzt bzzzt*

From Monster:

 

Wala na kanina pa ako lumabas

Nakipag DATE ako.

 

-end-

 

 

Anak ng!!! sinong walangyang lalaki ang nanliligaw sakanya?

UUPAKAN KO TALAGA YUN >__<

Tsk! Makaalis na nga.

"bye mga babes" sabi ko sa mga babaeng nakatingin saakin

"bye bye Babes!" sabay sabay nilang sabi

Babes. Yan na ata halos tawag ko sa mga babaeng nakakakilala saakin. Di ko kasi matandaan pangalan nila haha. Kawawa naman di ko alam pangalan nila samantalang ako tandang tanda nila.

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!