7/10/2016

NOTE: Try niyo i-add sa library niyo para makita yung buong story? Tinatamad ako i-public lahat, e. matrabaho. hahaha




May mga taong bigla nalang darating

May mga taong di mo alam

na baka isa sa dahilan kung bakit may masisira

Dahilan kung bakit mawawalan ng oras sa isa't isa

At dahilan kung bakit nagkakaroon ng tinatawag nilang:

PAGDUDUDA.

Pero pagdududa? Sa mga taong walang tiwala lang naman yun.

Sa mga taong hindi talaga mahal ang isang tao.

Sa mga taong WALANG tiwala sa taong minamahal.

Eh minamahal mo nga ba talaga kung ganun nga?

Simple lang naman eh.

UMIWAS ka sa taong makakasira kung maari.

Pero kaya mo kayang iwasan? Kung may magagawa kang kasalanan sa taong yun?

At isa pa! alam mo ba kung sino ang dapat iwasan?

Siya nga ba dahilan ng pagkakaroon ng pagdududa?

O may iba pa?

Siya ba ang dapat magduda?

O IKAW?

Ay complicated nga naman! haha

Chapter 3: Accident



Sharlot's POV


Nandito pa din kami ngayon sa garden, yung dating pinuntahan namin noon. Ang pagkakatanda ko dito niya sinabi na unang beses niya manligaw. Yun kasi yung time na nagbreak kami dahil may ginawa siyang kasalanan saakin.

Nakakatuwa lang kasi nandito kami ulit pero this time kami na ulit.

"bah, paano mo nalaman itong lugar na ito?" I asked

Nakayakap siya saakin mula at yung mukha niya nakatago sa balikat ko. Para siyang bata^^,.

"hmmm I don't know either" he replied

Ay ano pa ba ang inaasahan kong sagot niya? Ganyan naman siya parati

Humigpit yung yakap niya saakin... possessive? Haha

Nakaupo kami sa may kabilang bench, nahihiya na nga ako eh! Buti kaninang hinalikan niya ako walang tao. Pero ngayon meron eh TT___TT

"masakit ba ulo mo bah?" I asked kasi diba? Uminom sila kagabi?

"ahm..hindi. gusto ko lang yakapin ka?"

Aish ito talagang Lance na to! Ewan ko dyan mula nung dumating masyadong siyang makapit saakin! Hahaha pero parang nakakatakot siya pag ganyan ang creepy! Parang ayaw niya ako palapitin o may lumapit saakin na lalaki! Hello? Course ko po ay Archi!  Di maiiwasan yun nuh! Dami kayang lalaki sa populasyon ng course ko!

"gusto ko matulog" he whispered.

"hoy! Di ka pwede matulog dito! Nakakangawit yun!"

"edi payakap muna"

"hala lance para kang bata"

"yeah right"

Tinanggal ko yung kamay niya mula sa pagkakayakap saakin saka ako humarap sakanya

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!