VOTE AND COMMENT. 

Chapter 29: SWEET-BITTER (part 1) 

 

 

Gail's POV

 

 

Bigla nalang tumayo at umalis si Sharly >___>

"hey wait" pigil ko kay Eris na may balak atang sundan sa CR ang nag-walkout si Sharly

"si Miyuki >__<" gaga pala to eh! Kagagawan niya tas ganyan siya! Kunsabagay di naman niya alam pero ang gaga pa din eh!

"hayaan mo siya. Masakit ang tyan niya kaya ganun" palusot ko

"ah. I thought may nasabi na akong masama kaya ganun"

"at ano naman yung akala mong nasabi mo?" I challenged her. Aba! Malay namin kung alam pala niyang si Sharly at si Lance

At si Lance. totoo bang mahal niya ang assuming na pa-cute na ito? Eww! Bumaba ba ang standard ni Lance sa babae? Eh kunsabagay CHUBBY ang hinahanap niya. Pero hindi naman chubby ang payatot na ito eh. Payatot niya! Petite pa siya! Di siya sexy at mas malayong mas flat siya kesa kay bessy. OMG! Ang mean mean ko nanaman. Eh kasi naman eh! Yung bestfriend kong nagpapakatanga kasi! Kasalanan niya to

"hoy ikaw" bastos kung bastos na! wala na akong pakialam! Nagagalit ako eh >__< nagagalit ako sa part ni Sharly!

"b-bakit?" parang natatakot niyang tanong

"didiretsuhin na kita Eris hah. ayoko kasi sa ugali mo. Kasi kung talagang mahal mo si Lance iintindihin mo kung bakit ka niya nilalayuan. You know what? Kung ako ang girlfriend at nalaman kong may ibang tinutulungan or nilalapitan si Lance not as a friend pero as ahm I don't know what will I call this pero..  Maiinis ako! bakit? Kasi sinasaktan niyo mga sarili niyo. I mean tayong tatlo lang magkakasakitan niyan kung sakali. Kasi kung ako ang girlfriend ni Lance hindi ako magpapakatanga katulad ng ginagawa nung girlfriend niya ngayon. Ghad! I hate this kind of issue. My ghad! Nakakasakit sa ulo"

Pagkatapos ko mag speech aba! Nakayuko lang siya. Maybe she's internalizing na! dapat lang! dapat mag-sink in din yang mga sinasabi ko. at kung talagang matigas pa din ulo niya uupakan ko na siya -__-+

Bestfriend ko ang naiipit dito! At ano naman ang nasa isip ni Lance para sabihin na mahal din niya ang babaeng ito? Pero OMG lang ah! Nakakainis kasi si Eris, kung iisipin ko ang ginawang paglayo ni Lance kay Eris tama yun! At pinapakita lang niya na si Sharly ang mahal niya at hindi ang babaeng ito. Pero kung makapagkwento naman kasi itong Eris na ito akala mo naman mahal na mahal siya ni Lance. my ghad lang ah! Nakaka high blood

"oh ano? Yuyuko ka nalang dyan?" I asked her di pa din kasi siya umiimik

My ghad! Wag mong sabihing nakapag paiyak pa ako dito ngayon? My ghad lang! MY GHAD LANG TALAGA!

Nakatitig lang ako sakanya at napansin ko na tumutulo na yung luha niya. NAMAN EH!!! BAKIT SIYA UMIIYAK? TT____TT nakapag paiyak ako ng babae!!! My gulay!

"hey eris stop crying" awat ko sakanya kasi naman eh!

"mahal ko siya eh" she muttered

"oo alam ko mahal mo pero kasi Eris isipin mo ang sitwasyon"

"dati lagi nalang ako ang umiintindi, dati ako parati ang agrabyado. Bakit ngayon, ngayon lang naman ako magpapakaselfish! At I know! May pag-asa pa naman ako eh!" pagmamatigas niya

"Eris wala na nga eh! Mas pinili niya ang girlfriend niya kesa sayo!"

"hindi! Kasi hindi naman siya mapipilitan puntahan ako kung talagang loyal siya sa GF niya"

Aba! SABUNUTAN KO NA SIYA EH!!! ANONG HINDI!

"kung alam mo lang ang effort ni Lance para pasagutin ang babaeng mahal niya!"

Saktan ko tong babaeng to eh!

"tama na!" tinatakpan pa ag tenga. At feeling niya siya lang nasasaktan? AKO NASASAKTAN PARA SA KAIBIGAN KONG TANGENGOT!

"wag kang magtakip ng tenga girl. Sayang eh! I like you pa naman when I first met you. Pero now? I don't know Eris. Naiintindihan ko ang lagay mo. Na ayaw mo mag-isa na gusto mo may mga nagmamahal sayo. Pero like duh! Hindi mo pag mamay-ari si Lance!"

"you'll never understand me!" medyo napapalakas na ang boses namin

Para kaming batang nag aalitan dito sa shop!

"alam mo kahit na alam ko na ang lahat dahil na kwento na saakin lahat ni Sharly... wala eh. Hindi kasi ako tulad nila na naawa sayo. Alam mo kung bakit? Isa ka kasi sa mga tao na nagpapaawa para sa bandang huli ikaw ang mananalo. Pero wag ka baka pag lumaban ang girlfriend ni Lance. ikaw din ang kawawa. Kaya kahit anong pilit ko man na intindihin ka pa. ayoko na. sorry to say this pero ito ang klaseng kaibigan ako. better na sabihin ko na ang lahat kesa nabubuhay ka sa mundo na puno ng awa."

"katulad ng sinabi ko kanina.... Hindi mo ako naiintindihan!... Si Miyuki! Siya lang nakakaintindi saakin!" umiiyak siya nung sinabi niya yan at tumakbo na siya papunta sa CR

Kainis! At talagang si Sharly pa daw? Eh si Bessy nga ang pinaka kawawa dito!

hey wait! Tumayo na din ako at nagmadaling pumunta sa CR!!! Makikita nila ang isa't isang nag-iiyakan >______<

AH!! GAGA GAIL!!! GAGA!!!

Pag dating ko sa may CR.. teka lang hah. pero tama ba ang nakikita ko? natigilan din si Eris.

"Miyuki bakit ba ayaw mong maniwala?" saka napatingin ang isang pamilyar na lalaki kay Eris

"Siya! siya yung sinasabi ko sayo Miyuki!" sabay turo nung lalaking nakatalikod saakin kay Eris

"a-ano ba!" tinapik ni Sharly ang nakaturong kamay nung lalaki

At si Eris? Halatang naguguluhan naman

" excuse me Eris. Aalis na ako" saka hinila ni Sharly ang kasamang lalaki,

Nagmamadali silang lumabas. Tapos halatang kagagaling sa iyak nung si bessy >___<

Isang napaka pamilyar na lalaki.

...

...

...

Isang matagal ko ng hindi nakikita

Si Jake Russel de Vera

Ano nanaman bang nakain mo at pumapapel ka pa sa buhay ng bessy ko >_____< baka lalong gumulo ang lahat eh!! Kaasar T____T

"b-boyfriend ni Miyuki?" -______-

Isa pa tong walang alam na ito.

"OO!"

Yun nalang ang nasagot ko dahil sa inis sabay talikod. Nakakaasar kasi ang mga pangyayari.

Bahala sila dyan!

-____-

Naiinis ako.

Sarap nila ilampaso sa sahig! Sabunutan. Lahat na!

Kainis!

T^T

Bessy

WAKE UP!!!

Nakakainis na kasi eh

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!