Chapter 44: This Battle of the Bands is a MESS!

 

 

Sharlot's POV

 

 

 

Mula nung nag-usap si Lance at yung dad niya medyo naging busy na din ako nun. Everyday practice at si Lance din busy din kasi malapit na ang finals namin. Hindi ko na nagawang tanungin kung ano yung pinag-usapan nila ni dad niya. Baka too private na para tanungin ko. Baka family matter yun.

Ilang araw na din nakakalipas. Halos di ko na nga Makita si Lance eh. Laging tawag lang kami. Kasi naman hindi na din kami kina Gail.

"Ano? Ready ka na ba para sa mamaya hah Crush ko?" tanong saakin ni Dennis

"oo naman inalagaan ko talaga yung boses ko nuh ^^"

Hindi nga ako nagpupuyat.

At hanggang ngayon hindi pa din alam ni Lance yung about sa battle of the bands na to.

Pagagalitan ako nun eh >__<

Lalo na kasama kasi si Erick

"sige mamayang gabi nalang, uwi na muna tayo magpahinga kayo. Wag kayo male-late mamaya" bilin saamin ni Erick habang inaayos pabalik ang gitara niya sa case nito.

Masasabi kong mabait naman talaga si Erick though hindi ko siya madalas makausap, lagi din kasi siyang umuuwi ng maaga.

Ang alam ko lang binabantayan niya si Loisa???

Last time I asked him kung anong nangyari.

Sabi lang niya saakin sinusumpong daw si Loisa tas two times daw nahimatay >__<

Gusto ko man siya puntahan. Pero kasi may pumipigil saakin.

Ayos lang na matawag niya akong plastic.

Kahit na alam kong ako ang isa sa mga kaibigan niya dito.

Pero kasi pag nakikita ko siya di ko maiwasang masaktan ba?

Nasasaktan ako.

Kahit na mahirap okay na saakin na pinupuntahan siya ni Lance

Okay lang talaga.

Kasi alam ko naman tinatawagan pa din siya ni Loisa.

Sinasabi saakin lahat ni Erick yun.

Pero okay lang, kasi sinasamahan lang naman niya si Loisa sa hospital.

Hindi daw kasi pumupunta si Loisa sa hospital kapagka hindi si Lance ang kasama.

Haist

"Miyuki umuwi ka na din muna" sabi ni Erick

"Crush!! Tara! Sama ako sa bahay niyo hihiramin ko laptop ng kuya shizu mo *__*" sabi niya na may kinang pa sakanyang mga mata hahaha

"sige sige. Erick sige alis na kami ah"

"sige"

Nagpunta na kami ni Dennis sa bahay.

Agad agad naman na sumalubong saamin sila kuya

"tadaima" (I'm back) sabi ko

"oi Princess!! Timan mo yung niluto ko!" atat na sabi ni kuya Rex

"asus!!! Nagluto ka? Haha patikim nga ako!"

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!