Chapter 35: plan

133K 1.3K 188

Chapter 35: plan

 

 

 

Sharlot's POV

 

 

"ah...." Si Lance >__<

Nakahawak lang siya sa braso niya. Hala..

"s-sorry di ko sinasadya... a-ano.."

"ganun ka ba kagalit? Oo sinabi kong hindi ko siya pupuntahan. PERO KUNG IKAW ANG NASA POSISYON KO ITO DIN ANG GAGAWIN KO! TINGIN MO BA GUSTO KO TO! HINDI!"

Hindi ako makapagsalita.

Hindi ko alam pero kinakabahan nanaman ako.

Ngayon lang.

Ngayon lang niya ako sinigawan ng ganito.

"Miyuki, konting pag iintindi naman sakin please. Ayaw ko nito. Alam mo naman yun eh. Ikaw lang naman"

Oo nga pero kasi..

Hindi ko na napigilan bigla nalang akong napaluha.

Para Makita siyang umiiyak din.

"Miyuki. Sorry. Sorry for hiding something from you. Pero kasi pag nalaman mo to pati ikaw hindi mo alam ang gagawin diba? KAYA AKO NALANG! Tama ng ako nalang."

Ngayon lang siya naging apektado sa bagay tulad ng ganito.

Dati rati kalmado lang siya.

Ano ba kasi talaga ang dahilan?

Ano ba?

Nakayuko lang ako at humihikbi.

Ni hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nagseselos lang naman kasi ako eh.

Bakit ba hindi niya masabi saakin?

"s-sorry..Lance sorry"

Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"sorry ulit sorry"

Niyakap lang din niya ako

"sorry din, hindi ko lang talaga masabi sayo"

Hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.

"yung braso mo, sorry >__<"

"ganun ka ba talaga kagalit?"

"eh ikaw kasi! Sabi mo di mo na pupuntahan!"

"tss sadista talaga" sabi lang niya habang yakap

"eeeh kasi ikaw eh!!! Sabing wag ka papasok bigla bigla ka pumasok! >__<"

"nagalit ka kasi eh"

"sabi mo kasi di mo na pupuntahan si Loisa sabi mo kasi---"

"hindi ka naman mawawala sakin diba? Ayos lang na magkaproblema basta kasama kita"

"edi damay naman ako T__T"

"matagal ka naman ng damay"

Naririnig ko yung lakas ng tibok ng puso niya. Nakayakap pa din kasi siya saakin. At nakadikit ang ulo ko sa may chest part niya.

"sorry" ulit nanaman niya

:(((

Pag nagsosorry siya mas lalo ako nasasaktan.

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!