Chapter 50: COMPLICATED LOVE

 

 

Sharlot's POV

 

 

Bukas na ang alis ko

Bukas na ang huling chance para makausap ko siya.

Pupunta kaya siya?

O mananatiling mananahimik nalang siya?

"princess naayos mo na ba mga gamit mo?" tanong ni kuya Rex saakin

Ngumiti ako ng bahagya at sinagot siya "opo, lahat naayos ko na" habang hawak hawak ko ang singsing na nakita ko noon sa rosas.

Ang singsing na dapat nakakapagpasaya sakin ngayon.

"kuya... hihintayin ko pa din si Lance" sambit ko

Napatingin lang siya saakin at saka niya ako sinagot "hindi naman kita mapipigilan sa gusto mo, pero alam mo naman na---" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita "kuya pag hindi siya pumunta bukas. Pangako kakalimutan ko na siya"

Kahit alam kong may pag-asa dahil alam kong mahal niya ako.

Mahal na mahal ako ni Lance.

Pinuntahan niya ako sa hospital diba?

Pinuntahan niya ako pero para bantayan lang mula sa labas.

Alam ko yun. Alam kong tatlong gabi na siyang nasa labas ng kwarto ko sa hospital.

Dahil naririnig ko naman sila, naririnig kong pinagbawalan siya ng mga kuya ko. Naririnig ko din kapag nag-uusap sila nila kysler.

Ang hindi ko nalang naririnig, ang mga dahilan niya.

Dahil ni minsan maski kina Kysler hindi na sinabi.

Bumukas yung pintuan ko at saka pumasok si Kuya LAvi

"may mga bisita ka sa baba hime" sabi niya saakin

Sila kuya Lavi at Kuya Rex ay susunod nalang daw sa Japan.

Medyo okay na din naman ako kaya nilabas na ako sa hospital.

Mabilis naman daw ako makarecover sabi ni doc, pero syempre hindi pa din ako pwede magpagod. May bandage pa din syempre yung wrist ko.

Pagbaba ko, sila Eris at Erick buti wala si Gail dito?

Umupo ako sa sofa. Nakatingin lang ako sakanila.

"oh" abot ni Eris saakin

"p-panung napunta sayo to?" nagtatakang tanong ko. yung diary ni Lance. Dati ko pa siyang nabasa. Paulit ulit kong binabasa ang bawat dulo ng bawat pahina.

Tumayo siya sa harapan ko.

Bigla niya ako niyakap.

"I'm sorry, Miyuki I'm sorry. I didn't know. I'm sorry" hindi ko mapigilan mapaiyak sa ginagawa niya ngayon

I hugged her back. Para siyang batang umiiyak ngayon saakin.

"Miyuki... he's lucky... Lance is lucky to have you... Miyuki please... ingatan mo ang sarili mo. Please?" pakiusap niya saakin

Bumitaw siya sa pagkakayakap at saka niya hinawakan ang dalawa kong kamay.

"try to value your life, don't waste it. Kasi ako, I tried my best para sumaya ako... Miyuki...." Tumigil siya sa pagsasalita dahil hindi na niya mapigilan ang mga luhang dumadaloy ngayon sa pisngi niya

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!