Chapter 8.3: Lance Erick Tamayo (part 2)

 

 

 

"Eris?" tawag uli ni Erick sa kapatid niya

"K-kuya?"

Naglakad si Erick papunta sa isang pintuan

Kumatok siya...

"papasok ako ah?"

"ah! Teka wag.. magulo kwarto ko kuya"

"umiiyak ka nanaman ba?"

"OI! HINDI AH!"

Si Erick ba talaga ito? Ibang iba yung Erick na pinapakita niya saakin eh. Este sa kapatid niya pala

"hoy.. ikaw." Saka ako tinuro

"bakit?"

"dun yung kusina" saka pa niya tinuro yung isa pang pintuan

Maluwang dito, naglakad ako patungo sa tinuro niyang pintuan.

"Lance???"

Mula dito rinig ko pa din yung dalawa, katabi lang kasi nitong kusina nila yung kwarto.

Nilapag ko yung mga pinamili namin. ANG GANDA KO PARA MAGING KATULONG LANG NITONG ERICK NA ITO!

Tumingin ako sa relos ko, haist 11am na pala.

Tinext ko si Kysler para tanungin kung anong ginawa nila. Malay ko ba kung may graded recitation o kaya naman surprise quiz! >__<

Nasaan ba yung kutsilyo dito? Para maumpisahan ko na magluto!

"Erick???"

"nasan na yun? Kala mo naman alam ko pasikot sikot dito ah!"

"narinig ko yun ah" napatingin ako sa likuran ko. si Erick -____- at mukhang ayos naman? Hindi galit?

"Nandito lahat ng kelangan mo, mga seasoning naman nandun banda. Saka pa niya tinuturo kung nasaan ba."

"nasaan yung kapatid mo?" tanong ko

Kung di lang naman niya mamasamain ang tanong ko diba? Di na ako nag eexpect ng sagot baka di nanaman ako kibui----

"nasa kwarto niya, ayaw nanaman lumabas."

"eeeh? Bakit?"

"lagi siyang ganyan nakakasawa na nga. Kung hindi ko lang siya kapatid tsk"

"hoy wag ka naman magsalita ng ganyan. Malay mo may problema"

Maging kapatid ka ba naman niya. Talagang mamromroblema siya! Buti nalang hindi ganyan mga kuya ko.

"ewan ko dyan. nag iinarte nanaman."

"LANCE LANCE! KUYA LANCE!!!"

"teka lang ah" paalam niya

Aba at nag paalam siya? Siya nga ba talaga si Erick? Nawiwindang ako SWEAR!

Pero mbuti na din yung ganun kesa naman ini-snob niya ako haha

Anyways, si Lance kaya? TT____TT gusto ko siya Makita naguiguilty kasi ako!

"ikaw ba yung girlfriend ni Lance?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses

"girlfriend???" baling ko sa tanong

"akonga pala  yung tumawag kagabi..so ikaw ba ang girlfriend?"

Ang taray niya magtanong >__<

"Oo?" bigla kong sagot

"IKAW ANG GIRLFRIEND NG KAPATID KO???" gulat na may halong tuwa yung mga mata niya

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!